Atin Ito! Movement, muling nagtakda ng civilian-led supply mission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,730 total reads

Muling itinakda ng West Philippine Sea: Atin Ito! Movement ang pagsasagawa ng ikalawang Civillian supply Mission na magtutungo naman sa Bajo De Masinloc sa West Philippine Sea sa May 14- 17.

Kabilang sa magiging gawain ng grupo, ang pagtitipon ng may 100 maliliit na bangka sa bilang pagpapakita ng pakikiisa sa civillian led convoy, susundan ng paglalagay ng boya sa West Philippine Sea at ang ikatlo ay ang pagdadala ng mga kinakailangang suplay ng mga mangingisda na nananatili sa lugar.

Ayon kay Rafaela David, lead convenor ng grupo, kabilang din sa makikiisa sa misyon si Running Priest Fr. Robert Reyes kasama ang Philippine Rural Reconstruction Movement, Lokal na pamahalaan ng Aklan at Olongapo at mga grupo ng kabataan at mangingisda sa Bajo De Masinloc.

Sinabi naman ni Fr. Reyes, na ang kanyang pakikiisa ay pagpapakita ng pagpapahalaga ng simbahan sa teritoryo at kasarinlan ng Pilipinas kaugnay sa pag-aari ng West Philippine Sea, na isang biyaya sa mula sa Panginoon sa mga Pilipino.

Dito ayon sa pari ay matatagpuan ang mga yamang dagat, at nagsisilbi din ruta ng mga bangka o barkong maghahatid ng mahahalagang suplay ng pagkain sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at mga bansa.

“Bakit po tayo sinasakop? dahil gusto nilang mapasakanila ang lahat lahat ng yan at napaka-unfair dahil kapag tinignan mo yung nine dash line nila, kakapraso nalang ang matitira ating territorial water, sinakop na nilang lahat pero sa arbitral ruling ng UNCLOS mayroong malaking bahagi from the shore upto the open water na yun sukat ng teritorrial waters, kaya napakahala na pag-aral ng bawat Pilipino ito at mapag-usapan, napakahalaga na magsama-sama tayo para ipakita na tayo ay kikilos, magdadasal, magkakaisa, kaya nga namin inilunsad ang Kandila at Bandila, sa araw-araw magdasal,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Reyes.

Ipinapaabot naman ni David ang pasalamat sa simbahan at iba pang religous organization sa nakikiisa sa gawain, kasabay na rin ng pagdiriwang ng simbahan ng Marian Month o buwan na itinalaga sa Mahal na Birhen.

“We’re thankful to have member of the religous community join us in this mission kasi pinapakita nito na yung pinaghuhugutan din natin sa kampanyang ito ay yung pananampalataya lalu na nang mga Pilipino na naniniwala na ang West Philippine Sea ay atin dapat tayong manindigan,” ayon kay David sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ni David, “Maganda pa nga niyan this coming May, kaya natin ito ginagawa kasi Marian Month, we are commemorating Mama Mary this month and sakto si Mama Mary ang isa mga nagbabantay sa ating mangingisda, siya nga yung Stella Maris, o Mary Star of the Sea, so we are really hoping as we commemorate Stella Maris and the Marian Month we also invite more members of the religous community to be part of this mission.”

Una na ring inilunsad ni Fr. Reyes ang ‘Bandila at Kandila para sa Kapayapaan at Soberanya’ bilang kampanya sa Diyosesis ng Cubao at iba pang karatig Diyosesis.

Ang inisyatibo na pagsisindi ng kandila, kasabay ng pagsasabit ng bandila sa mga tahanan at pananalangin ay upang itigil na ng China ang pananakot at pang-aangkin sa West Philippine Sea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 133,117 total reads

 133,117 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 269,731 total reads

 269,731 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 385,506 total reads

 385,506 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 500,474 total reads

 500,474 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 99,901 total reads

 99,901 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top