Pagpapabilis sa proseso ng mining permits, tinututulan ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,409 total views

Tinututulan ng Alyansa Tigil Mina ang plano ng Department of Environment and Natural Resources na pabilisin ang proseso sa pagbibigay ng mining permits.

Ito’y matapos na i-anunsyo ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na gawing tatlong taon mula sa anim na taon ang proseso sa mining permits para sa pagpapatupad ng digitalization sa sistema ng kagawaran.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, sa halip na pahintulutan ang pagmimina, dapat na gawing prayoridad ng DENR ang mahigpit na pagbabantay at pagpapataw ng parusa sa mga minahan na lumalabag sa mga batas.

“We disagree with the DENR that fast-tracking the permits for more mining projects should be prioritized by the government. While digitalization and parallel-processing will address red-tape and potential corruption, the DENR must focus on increasing its capacities to monitor, assess and penalize erring mining companies for their violations or non-compliance,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Sa isang media briefing, pinaliwanag ni Loyzaga na pagtutuunan ng DENR ngayong taon ang digitalization partikular na sa Environment Compliance Certificate projects, gayundin upang makaakit ng mas maraming investors sa Pilipinas.

Katwiran naman ni Garganera na hindi tamang patakaran na palakasin ang industriya ng pagmimina sa bansa para lamang matugunan ang pangangailangan sa transition mineral ng China, United States of America, at European Union.

Pangamba ng ATM na kapag natuloy ang plano ng DENR ay madaragdagan ang mga lugar na mapipinsala ng pagmimina, lalo na ang mga pamayanan.

Iminungkahi ng grupo sa pamahalaan na pagbutihin na lamang ang paghihigpit sa mining sector, at pagtuunan ang pagsuporta at pagsusulong sa renewable energy sector ng bansa.

“To pursue more nickel and copper mining without strengthening the regulatory effectiveness of DENR will create a disastrous situation for affected communities. In the long run, we are afraid that DENR and the national government will be creating more “sacrifice zones” in the name of extracting these transition minerals, while failing to secure a more stable and responsive renewable energy sector here in our country,” ayon kay Garganera.

Mariing tinututulan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si’ ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 15,175 total views

 15,175 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 65,189 total views

 65,189 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 61,058 total views

 61,058 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 97,181 total views

 97,181 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 105,178 total views

 105,178 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top