Archdiocese of Manila, makikiisa sa peoples march and prayer vs CHACHA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,425 total reads

Makikiisa ang Archdiocese of Manila sa isasagawang People’s March and Prayer Against Charter Change sa May 22, 2024.

Sa liham sirkular ni Manila Archdiocesan Chancellor Fr. Isidro Marinay, hinimok nito ang nasasakupan na makiisa sa pagtitipon sa harapan ng tanggapan ng Senado sa Pasay City mula alas tres hanggang alas singko ng hapon.

Gayundin ang pagpapatunog ng kampana ng mga simbahan tuwing alas kuwatro ng hapon para sa natatanging intensyon.

“Our prayers in the Our Mother of Perpetual Help Novena will be offered for our country and leaders,” bahagi ng mensahe ni Fr. Marinay.

Ang pagkilos ay inisyatibo ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines na kasalukuyang pinamumunuan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Tiniyak ng social arm na paigtingin ang information drive sa mamamayan hinggil sa masamang idudulot sa pagpapalit ng konstitusyon.

“In this light, the Episcopal Commission on Social Action – Justice and Peace/Caritas Philippines and the Social Action Network, which is tasked to address this issue, would like to continue strengthening our anti-charter change campaign to ensure that our lay faithful are correctly informed and educated about the issues surrounding our Constitution,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Inaasahan ang pakikibahagi ng humigit kumulang sa tatlong libong katao mula sa iba’t ibang mga parokya, catholic insitutions kabilang na ang mga paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Hinimok din ng mga obispo ang mga parokya na hindi makadadalo sa prayer rally sa senado na magsagawa ng kaparehong gawain sa mga parokya sa parehong oras.

Patuloy ang paninindigan ng CBCP laban sa charter change at iginiit na hindi napapanahong palitan ang kasalukuyang 1987 Constitution sa halip ay hinimok ang pamahalaan na gumawa ng mga polisyang makatutugon sa pangunahing suliranin na kinakaharap ng bansa kabilang na ang kahirapan, kagutuman, at kawalang sapat na oportunidad sa mga Pilipino lalo na ang mga magsasaka at manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,780 total reads

 63,780 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,654 total reads

 142,654 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 176,099 total reads

 176,099 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,398 total reads

 211,398 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,333 total reads

 435,333 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top