Simbahan, umaasang mapanumbalik ang ecological balance sa Laguna de Bay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 464 total views

Sinimulan na ng Department of Environment and Natural Resources ang malawakang operasyon ng paglilinis at pagtatanggal ng mga Fish pens at cages sa Laguna de Bay matapos ang dalawang linggong palugit sa mga operator.

Sa unang operasyon, dalawang malalaking fish pens na nakakasakop sa halos 100 hektarya ng lawa ang binuwag ng demolition team.

Tinitiyak ni Under Secretary Arturo Valdez – pinuno ng National Anti-Environmental Crime Task Force, na magiging malinis ang Laguna Lake bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The DENR-NAECTF will see to it that Laguna Lake is cleared of fish pens before President Rodrigo Duterte delivers his second State of the Nation Address in July,” pahayag ni Valdez.

Samantala, umaasa naman si Msgr. Jerry Bitoon – Vicar General Diocese of San Pablo Laguna, na sa pamamagitan ng paglilinis ng lawa at pagpabor sa maliliit na mangingisda ay manunumbalik ang ecological balance ng Laguna lake at mahihinto ang mono-culture o ang pag-aalaga ng isang uri lamang ng isda na Tilapia.

“Baka bumalik ulit yung dating ibang species ng isda dyan sa lawa, kasi in a way parang ngging mono culture, puro tilapia lang sila, nawala na yung mga kanduli, ayungin, yung mga dating kinakain ng sambayanan Filipino nawawala na yun, so in other words kung papaboran natin yung mga small [fishermen] mas favorable pa rin sa ecological balance ng lake,” pahayag ni Msgr. Bitoon sa Radyo Veritas.

Matatandaang sa unang SONA ni pangulong Duterte, partikular nitong iniutos ang pagbuwag sa malalaking fish pens at cages, upang mabigyan ng pagkakataon ang maliliit na mangingisda na makapaghanapbuhay ng maayos.

Samantala, ang Laguna de Bay ay kabilang din sa 29 priority areas ng programang Sustainable Integrated Area Development ng DENR.

Layon ng ahensya na mapanumbalik ang dating ganda at sigla ng lawa upang mapaunlad ito sa pamamagitan ng Eco-tourism.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,606 total views

 47,606 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,475 total views

 43,475 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,677 total views

 79,677 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,379 total views

 88,379 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,658 total views

 113,658 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,851 total views

 324,851 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top