Botante, hinimok ng Obispo na ipakita na bunga ng kapayapaan ang BARMM parliamentary election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,226 total reads

Isang pagkakataon upang ipakita ang bunga ng kapayapaan ang isinagawang BARMM Parliamentary Elections sa Basilan.

Ito ang mensahe ni Isabela de Basilan Bishop Leo Dalmao, CMF, kasabay ang panawagan sa bawat botante na gampanan ang kanilang pananagutan sa pagpapanatili ng mapayapa, tapat, at kapani-paniwalang halalan.

Sa panayam sa Radyo Veritas, sinabi ni Bishop Dalmao na nananatiling mapayapa ang halalan sa Basilan, kung saan mahigit kalahati na ng mga botante ang nakaboto sa mga unang oras ng botohan.

“Sa ngayon ay masabi natin na mapayapa ang election,” ani Bishop Dalmao.

Ibinahagi ng obispo na may naitalang insidente sa Maluso kung saan nakitang may mga shaded na balota at kinailangang magbigay ng panibagong balota ang Commission on Elections.

Binigyang-diin ni Bishop Dalmao ang mas malalim na kahulugan ng halalan para sa Basilan sapagkat ito ang pagkakataong maipakita kung ano ang maaaring idulot ng kapayapaan sa isang pamayanang matagal nang humaharap sa mga hamon ng karahasan at kaguluhan.

“We have experienced peace for several years already, and this is an occasion for us to show the people what peace can do,” dagdag ng obispo.

Sinabi ng obispo na hindi lamang tungkulin ng mga nasa pamahalaan ang pagpapanatili ng maayos na halalan.

“Ang election ay hindi lang papel ng mga local government officials, ng mga pulis, ng mga military, but this is actually a responsibility of everyone by the choices we make,” ayon pa kay Bishop Dalmao.

Hinimok ng obispo ang mga mamamayan ng BARMM, partikular ang mga taga-Basilan, na maging responsable sa kanilang tungkulin bilang mga botante at mamamayan.

Kasabay nito, ipinanalangin ng obispo na manatili ang kapayapaan, pagkakaisa, at pagtutulungan hanggang sa matapos ang proseso ng halalan.

Ayon kay Bishop Dalmao, ang tunay na sukatan ng kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng karahasan sa araw ng halalan, kundi ang kakayahan ng bawat mamamayan na gamitin ang kapayapaang ito upang gumawa ng responsable at makabuluhang pagpili para sa kinabukasan ng Basilan at ng buong BARMM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,220 total reads

 51,220 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,927 total reads

 147,927 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,196 total reads

 192,196 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,305 total reads

 215,305 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,169 total reads

 288,169 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top