Paigtingin ang programa laban sa HIV,,hamon ng CBCP sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,843 total reads

Nananawagan sa pamahalaan ang healthcare ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang higit pang paigtingin ang pagsusulong sa mga programa hinggil sa human immunodeficiency virus (HIV) at acquired immunodeficiency syndrome (AIDS).

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Healthcare executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente Cancino, dapat na tutukan ng gobyerno partikular ng Department of Health ang mga suliraning panlipunang nakakaapekto sa kalusugan ng mga pamayanan lalo na ang mga mahihirap.

Ang panawagan ni Fr. Cancino ay kaugnay ng paggunita sa International AIDS Candlelight Memorial (IACM) upang alalahanin ang mga pumanaw dahil sa HIV/AIDS, gayundin ang pagbibigay-pugay sa mga naglaan ng buhay upang kalingain ang mga apektado ng karamdaman.

“Habang inaalala natin ang mga namatay dahil sa HIV at sa AIDS, dapat din nating ituon hindi lamang sa pag-alala pero sa pagkilala. Pagkilala sa mga komunidad na bulnerable sa HIV at mga issues na kaakibat niyan. Pagkilala sa iba’t ibang sektor ng lipunan na hindi talaga kaya ng Department of Health para pigilan ang sakit na ito,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi rin ng pari ang patuloy na diskriminasyon na nagiging hadlang para sa mga may HIV/AIDS na magpatingin at malunasan ang karamdaman.

Iginiit ng pari na sa halip na pangilagan, ang mga may pinagdaraanang karamdaman ang higit na nangangailangan ng karamay at pagkalinga upang muling madama ang pag-asa at pagtanggap ng lipunan.

“It is an ongoing accompaniment. We should accompany them, leading them to the right value and valuing in life, leading them to a life of faith, and leading them also na makilala talaga kung sino ang Diyos sa ating buhay,” ayon kay Fr. Cancino.

Ipinagdiriwang ang IACM tuwing Mayo partikular na sa ikatlong Linggo ng buwan taon-taon upang alalahanin ang mga pumanaw dahil sa human immunodeficiency virus (HIV) at acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) sa pamamagitan ng pagtitirik ng mga kandila at pag-aalay ng panalangin.

Tema ng IACM ngayong taon ang “Together We Remember, Together We Heal, Through Love and Solidarity”.

Sa huling datos ng DOH, umabot na sa 3,410 ang naitalang kaso ng HIV/AIDS sa unang bahagi pa lamang ng 2024, kung saan 82 rito ang naiulat na nasawi.

Inaasahan naman sa 2030 ay posibleng tumaas pa sa halos 402-libo mula sa higit 215-libo ngayong taon ang bilang ng mga Pilipinong may HIV

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 1,297 total reads

 1,297 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 18,561 total reads

 18,561 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 79,059 total reads

 79,059 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 100,342 total reads

 100,342 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 180,997 total reads

 180,997 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 281,740 total reads

 281,740 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 62,957 total reads

 62,957 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top