CWS, dismayado sa bansag sa Pilipinas na pinaka-delikadong bansa para sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,317 total reads

Nadismaya ang Church People Workers Solidarity (CWS) sa pagkabilang ng Pilipinas sa ‘Top 10 most Dangerous Countries in the World’ sa 8-magkasunod na taon base sa pag-aaral ng International Trade Union Confederation – Global Rights Index.

Ayon kay CWS National Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, naninindigan at isinusulong ng simbahan ang karapatan at dignidad ng mga manggagawa.

Itinuring din ng Obispo na banta ang mga polisiya at batas na pinapalala ng mga kaso ng red-tagging’ sa mga manggagawa.

“CWS remains firm and steadfast in its mandate to uphold and advance workers’ rights. CWS holds the present and past administrations accountable for the gross human rights violations on workers’ rights, including red-tagging. Instead of being defensive and downplaying extra judicial killings and human rights violations as “isolated cases” the present administration must establish concrete mechanisms to bring justice to the victims.” paninindigan ni Bishop Alminaza

Nanawagan ang Obispo sa administrasyong Marcos na tiyaking ligtas at protektado ang karapatan ng mga manggagawa.

“CWS reiterates its call on the Philippine government to ensure that the rights of workers be protected,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Tiniyak ng Obispo ang patuloy na pakikiisa sa mga manggagawa upang mapalakas sa tulong ng simbahan ang apela na tiyaking ligtas ang sektor sa anumang uri ng paniniil at iba pang panawagan na itaas ang suweldo o makamit ang mga pantay na benepisyo sa paggawa.

Ayon naman kay CWS National Capital Region Chairman Father Noel Gatchalian, labas na nakakabahala at nakakalungkot na patuloy ang pagtaas ng kaso ng mga napapatay na labor leaders at member sa lipunan.

“Ngunit ang mga manggagawa, hindi naman tayo magpapadala sa takot kungdi nagpadala tayo na kahirapan at kawalan ng katarungan, dapat na maging masigasig pa tayo bilang mga manggagawa atsaka kasi kung tayo ay magpapadala sa takot at sa paggagawa nila ng batas na hindi makatarungan, mas lalo tayong kaawa-awa, kinakailangan natin na ipagtanggol ang ating sarili at karapatan ng mga manggagawa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Gatchalian.

Ayon sa pag-uulat ng mga Labor Groups, simula noong 2016, umaabot na sa 72 ang bilang ng mga labor leaders at members na napapatay sa kanilang hanay.

Naging kasama naman ng Pilipinas sa listahan ‘Top 10 most Dangerous Countries for Labor Leaders and Members’ ang mga bansang Bangladesh, Belarus, Ecuador, Egypt, Eswatini, Guatemala, Myanmar, Tunisia at Turkiye.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 9,515 total reads

 9,515 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 64,472 total reads

 64,472 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 149,837 total reads

 149,837 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 196,574 total reads

 196,574 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 244,446 total reads

 244,446 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 345,234 total reads

 345,234 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 9,518 total reads

 9,518 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top