Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,564 total reads

Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.

Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong dumulog sa dambana ng international shrine kaya’t marapat lamang na ibahagi sa kapwa ang anumang biyayang natamo sa pagdidebosyon sa Mahal na Ina na gumagabay tungo sa landas ni Hesus.

“Tayo ay aka-ahon, tayo’y naka-akay, ngayon naman tayo ay may kakayahan na magbigay at mag-alay,” pahayag ni Bishop Santos.

Habilin ng obispo sa mananampalataya at deboto ng Mahal na Birhen ng Antipolo na isabuhay sa mga kinabibilangang komunidad ang mga halimbawa ng Mahal na Ina lalo na ang kababaang loob at katapatang sundin ang kalooban ng Diyos.

Nagsimula noong May 7, unang martes sa buwan ng Mayo ang pilgrimage season ng international shrine kung saan libu-libong mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nakilahok sa tatlong buwan na Ahunan sa Antipolo.

April 30 nang isagawa ang nakagawiang pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa nakadambanang Jesus Nazareno sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church na hudyat ng pagsisimula sa pilgrimage season.

Sinundan ito ng tradisyunal na paglalakad mula Quiapo Church pabalik sa international shrine kung saan milyong deboto ang nakilahok sa humigit kumulang sampung oras na Walk for Peace.

Naniniwala si Bishop Santos na ang mga gawain sa pilgrimage season lalo na ang pagdalaw sa mapaghimalang imahe ng Mahal na Birhen ng Antipolo ay makatutulong upang higit na lumago ang pananampalataya ng mamamayan tungo kay Hesus.

Una nang sinabi ni Bishop Santos na hangarin ng kanyang pagpapastol sa diyosesis na maging tampok ang lalawigan ng Rizal bilang ‘pilgrim capital’ ng Pilipinas na makatutulong sa pagpapalago ng kristiyanong pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 52,427 total reads

 52,427 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 101,826 total reads

 101,826 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 149,697 total reads

 149,697 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 253,645 total reads

 253,645 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 337,139 total reads

 337,139 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top