Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,178 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa tama at sapat na nutrisyon sa mga bata upang lumaking malusog ang pangangatawan.

Ang panawagan ni Fr. Cancino ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2024 ngayong Hulyo na naglalayong palawakin ang kamalayan at pakikilahok ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang suportahan ang Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028.

“Hinihimok ko ang mga magulang na magbigay, paglaanan ng tamang nutrisyon ‘yung mga bata. Hindi ibig sabihin na ito ay usong pinapakain sa mga bata ay ito na ‘yung mas nutritious na pinapakain. Kapag minsan, madali na rin ‘yung ready-made, ‘yung panandalian na lang. Iba pa rin talaga ‘yung may nutrisyon na para sa mga bata,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Iminungkahi rin ng pari ang pagsasagawa ng urban o backyard farming sa mga tahanan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga prutas at gulay sa mga recycled plastic bottle o iba pang sisidlan kung saan bukod sa pagkakaroon ng masustansyang pagkain ay makatutulong din ito sa pangangalaga sa kalikasan.

Nanawagan din si Fr. Cancino na suportahan ang HAPAG-ASA Integrated Nutrition Program bilang pagtugon ng simbahan sa suliranin ng kagutuman at malnutrisyon sa mga musmos sa bansa.

“Kailangan din ito ng talagang commitment, kailangan ito ng mga taong mas malawak ‘yung pag-iisip tungkol sa ating nutrisyon…Tatandaan natin, tayo ay magkakaugnay, at maganda rin na may konting sakripisyo tayo. ‘Yung ating konting maia-ambag para sa mga batang nagugutom, mga malnourished ay pagbibigay-buhay para sa kanila,” ayon kay Fr. Cancino.

Ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-50 Nutrition Month na nagsimula noong 1974 sa bisa ng Presidential Decree 491 o ang Nutrition Act of the Philippines.

Tema ng Buwan ng Nutrisyon ang “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat” kung saan na naglalayong pagtuunan ang PPAN 2023-2028 upang mapabuti ang nutrisyon ng bansa, at matugunan ang pangunahing sanhi ng malnutrisyon tulad ng kawalan ng katiyakan sa pagkain at kahirapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 59,826 total views

 59,826 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 69,190 total views

 69,190 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 95,646 total views

 95,646 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 143,889 total views

 143,889 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 144,830 total views

 144,830 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top