Walang kaguluhan kung mayroong pagkakapatiran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,384 total views

Nanawagan si Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles sa mga manananampalataya na gamitin ang patnubay ng Mahal na Birheng Maria upang maisulong ang pagkakapatiran at maiwaksi ang hindi pagkakasundo.

Ayon sa Arsobispo, pinili ng Panginoon si Maria na maging Ina ni Hesukristo at sambayan na simbolo ng pagkakapatiran.

“Kung lahat tayo anak ng Diyos, we will not hate one another, we will not do anything wrong to another kasi magkakapatid tayo. Kaya may lack of peace is sapagkat we don’t recognize that we are brothers and sister, minsan sinasabi natin kapatid pero paano magiging kapatid kung wala kang common father,” pahayag sa Radio Veritas ni Archbishop Arguelles.

Tiwala ang arsobispo na sa pamamagitan ng pagdedebosyon at higit na pagkilala kay Maria ay mapapadali ang mga inisyatibo ng pagkakaisa.

Ipinagmalaki naman ni Archbishop Arguelles ang malalim na pagdedebosyon ng Pilipinas sa Mahal na Birheng Maria.

Hinihimok ng arsobispo ang mga Pilipino na manindigan sa pananampalataya upang mapukaw ang iba pang bansa na isulong ang kapatiran upang mamayani ang kapayapaan.

“Kaya kapag sinabi ng iba na tayo ay mga pinagtatawanan dahil tayo ay deboto ng Blessed Mother, di ba maganda na we have a Mother na everlasting na yan sapagkat makalangit yan at lalo ding maganda na we have a common mother na guide through our Father kung brothers and sisters tayo we should work to help one another go up to where God wants us to be, wag nating kalabanin at mapalayo tayo hindi lang sa isat-isa kungdi sa pinanggalingan natin,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Arguelles.

Ito ang mensahe ng Arsobispo sa nararanasang kaguluhan sa magkakaibang bahagi ng mundo kung saan milyong ang naapektuhanat dumaranas ng kahirapan.

Patuloy ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine, labanan ng Israel at Palestine at patuloy na pangha-harrass ng China sa West Philippine Sea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 57,286 total views

 57,286 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 66,650 total views

 66,650 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 93,106 total views

 93,106 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 141,448 total views

 141,448 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 142,568 total views

 142,568 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top