Hilingin ang patnubay ng panginoon, apela ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,647 total views

Hiniling ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mamamayan na sundin ang mga inaatas ng kinauukulang ahensya kaugnay sa nagpapatuloy na epekto ng bagyong Carina at Habagat.

Ayon sa obispo mahalaga ang pagsunod upang maiwasan ang anumang pinsala na maaring idulot ng mga pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Luzon lalo na sa Metro Manila.

“Sa ating pag-iingat nararapat na tayo ay sumunod sa nakatataas higit na sa mga paalala at kautusan ng ating pamahalaan para tayo ay maging ligtas,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas. Dalangin ng obispo ang paggabay ng Panginoon para sa kaligtasan ng bawat isa sa mga sakunang kinakaharap.

Ayon kay Bishop Santos bukod tanging mga panalangin sa Diyos ang makapipigil sa mga kalamidad tulad ng mga pagbahang naranasan sa malaking bahagi ng Metro Manila.

“In moments of these natural calamities-excessive rains and floods-let us turn to God and cast our eyes afresh on Him. God has dominions over everything. He has authority, command, and control over all things created. Therefore, let us respond by putting our faith in God alone,” ani Bishop Santos.

Dalangin pa ni Bishop Santos ang habag at awa ng Panginoon para tuluyang humupa ang malawakang pag-ulan na nakapipinsala na sa mamamayan.

“Let us pray unceasingly and full of hope. Let us humbly beg our almighty God in His mercy and power to pacify the rain, drain the flood waters, and grant strength to us, His beloved people affected by this monsoon rains and flooding, make us safe and recover from this hardships,” dagdag ng obispo.

Inirekomenda na ng Department of Interior and Local Government o DILG kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isailalim na ang buong Metro Manila sa state of calamity upang magamit ng mga lokal na pamahalaan ang karagdagang pondo para sa calamity response at maipatupad ang price freeze sa mga pangunahing bilihin. Una nang naglaan ang pamahalaan ng 2.88-billion pesos na halaga ng tulong para sa mga maapektuhan ng Bagyong Carina sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Samantala binuksan na rin ang mga simbahan sa mga diyosesis sa Metro Manila para lingapin ang mga indibidwal na nangangailangan ng kanlungan dahil sa mga pagbaha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 26,315 total views

 26,315 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 59,397 total views

 59,397 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 87,748 total views

 87,748 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 155,479 total views

 155,479 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 176,756 total views

 176,756 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top