Donation appeal for typhoon Carina victims, inilunsad ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,323 total reads

Tiniyak ng Caritas Manila ang pakikipag-ugnayan sa mga diyosesis na nasalanta ng baha dulot ng bagyong Carina at Habagat.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng institusyon at Pangulo ng Radio Veritas, agad na kumilos ang Caritas Manila para matulungan ang mga mamamayang apektado ng kalamidad lalo na sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan.

Binigyang diin ni Fr. Pascual na sa panahon ng mga sakuna ay patuloy ang pagkilos ng simbahan para lingapin ang nasasakupang kawan lalo na ang mga dukha.

“Kapag ganitong may disaster ang simbahan ay hindi nagpapahinga kundi higit na naging aktibo para tulungan ang ating mga Kapanalig. Patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa mga Social Action Centers ng mga diyosesis na apektado rin ng kalamidad para tayo ay makatugon,” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Kasabay ng matinding baha sa Metro Manila nitong July 24 ay agad na nagpahatid ng tulong ang Caritas Manila sa mahigit 500 residente ng Baseco, Tondo Manila na naapektuhan ng pag-ulan at malalakas na alon ng Manila Bay dahil sa Habagat.

Umapela si Fr. Pascual sa mananampalataya na makiisa sa hakbang ng institusyon sa pagtulong para matugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad kabilang na rito ang pagkain, damit, hygiene kits at iba pa. “Ang Caritas Manila mayroon tayong relief, restoration at rehabilitation program para sa mga biktima ng kalamidad na gawa ng kalikasan at gawa ng tao,” ani Fr. Pascual.

Hinikayat ng pari ang mga nais magpaabot ng inkind donation na magtungo sa tanggapan ng Caritas Manila sa Jesus St. Pandacan Manila o makipag-ugnayan sa official facebook page ng institusyon para sa karagdagang detalye kung paano makibahagi sa programa.

Bagamat hindi nag-landfall ang Bagyong Carina ay mas pinalakas nito ang hanging Habagat na nagdulot ng mga pag-ulan sa magkakasunod na araw mula noong July 22 kung saan ayon kay PAGASA Assistant Weather Services chief Chris Perez naitala sa 207 millimeters ang volume ng tubig ulan sa loob ng anim na oras mas mababa kumpara sa mahigit 300mm na tubig ulan sa pananalasa ng bagyong Ondoy noong 2009.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 38,538 total reads

 38,538 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 86,409 total reads

 86,409 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 190,357 total reads

 190,357 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 276,471 total reads

 276,471 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 344,747 total reads

 344,747 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top