Huwag pakialaman ang NCIP, babala ng Obispo sa mga politiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,074 total reads

Nananawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na dinggin at pagtuunan ng pansin ang hinihiling na kaligtasan at karapatan ng mga katutubo sa bansa.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Indigenous Peoples chairman, Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, patuloy na umaasa ang mga katutubo na muling makamit ang kalayaan laban sa mga mapagsamantalang umaagaw at nang-aakin sa mga katutubong lupain.

Ang panawagan ng obispo ay kaugnay sa pagdiriwang sa National Indigenous Peoples’ Day at International Day of the World’s Indigenous Peoples ngayong araw, Agosto 9.

Sinabi ni Bishop Dimoc na sa nakalipas na 26-taon, wala pa rin sa 50-porsyentong target na lupa ang nabibigyan ng Certificate of Ancestral Domain Titles (CADT) ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

“This kind of social injustice in our society reduced the gentle and peaceful IPs to being marginalized further. Politicians and dominant interests are hindering NCIP to fulfill its mandate of protecting the gentle and peaceful IPs,” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Nababahala ang obispo sapagkat nalalagay sa kapahamakan ang buhay at kaligtasan ng mga katutubong patuloy na ipinagtatanggol ang karapatan laban sa mga malalaking kumpanya at minahan.

Gayunman, naniniwala si Bishop Dimoc sa mandato ng NCIP sa pangangalaga sa karapatan ng mga katutubong itinuturing na likas na mga tagapangalaga ng kalikasan.

“It is the mandate of NCIP to prioritize and protect the vulnerable IPs who are very gentle and peaceful, especially those who gather food and hunt in their forest or those having difficulty transitioning to developed agricultural life,” saad ni Bishop Dimoc.

Umaasa naman ang obispo na sa halip na maging hadlang, dapat higit pang gampanan ng mga politiko ang paglikha ng mga batas na magtataguyod sa karapatan ng mga katutubo.

Oktubre 2015 nang lagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act no. 10689 na nagdedeklara sa Agosto 9 ng bawat taon upang ipagdiwang ang National Indigenous Peoples’ Day at higit na isulong ang pangangalaga at pagbibigay pansin sa karapatan ng mga katutubo sa bansa.

Sa tala ng United Nations Development Programme, mayroong 14 hanggang 17 milyong katutubong kabilang sa 110 ethno-linguistic groups sa Pilipinas na ang 33 porsyento ay matatagpuan sa Cordillera Administrative Region habang ang 61-porsyento nama’y nasa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,330 total reads

 43,330 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,366 total reads

 93,366 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,237 total reads

 141,237 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,186 total reads

 245,186 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,082 total reads

 329,082 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,313 total reads

 166,313 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top