Administrasyong Marcos, hinamong itigil na ang militarisasyon sa katutubong pamayanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,094 total reads

Nananawagan sa mga kinauukulan ang Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) at Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples’ Rights upang magpatupad ng mga hakbang na makatitiyak sa karapatan at kaligtasan ng mga katutubo sa bansa.

Sa pinagsamang pahayag ng LRC at Panaghiusa, iminumungkahi nito sa pamahalaan na tutukan ang pagtataguyod sa karapatan ng mga katutubo para sa tunay na free, prior, and informed consent (FPIC) at tugunan ang iba’t ibang suliranin patungkol sa mga katutubong lupain.

Kabilang rito ang mga proyektong tulad ng Didipio Copper-Gold Project ng Oceanagold sa Nueva Vizcaya; Tampakan Copper-Gold Project sa South Cotabato ng Mindanao Sagittarius Mines, Inc. (SMI); Ipilan Nickel Project sa Palawan; at Kaliwa-Kanan Dam Projects sa Rizal at Quezon.

Ang panawagan ng dalawang grupo ay kasabay ng pagdiriwang sa National Indigenous Peoples’ Day at International Day of the World’s Indigenous Peoples nitong August 9.

“Destructive corporate and government projects on mining, dams, energy, infrastructure, agribusiness, and other conflicting land uses encroached into ancestral domains while circumventing or manipulating FPIC and other public consultation and participation processes,” pahayag ng LRC at Panaghiusa.

Hinihiling din ng LRC at Panaghiusa ang pagpapahinto sa militarisasyon sa mga katutubong pamayanan, at ang red-tagging at kriminalisasyon sa Indigenous Peoples’ Human Rights Defenders (IPHRDs), at mga tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo.

Gayundin ang pagpapawalang-bisa sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng pagbawi sa Executive Order No. 70, at pagsasantabi sa Anti-Terrorism Law.

Iginiit ng dalawang grupo na patuloy na pinaparatangan ng maling akusasyon ang mga katutubo na naglalagay sa kanilang kapahamakan, at isinasantabi na lamang ang mahalagang gampanin ng mga ito sa pangangalaga sa kalikasan sa gitna ng kinakaharap na krisis sa klima.

“Indigenous territories are contested precisely because of the natural wealth they hold, while their contributions to climate adaptation and mitigation are on the other hand ignored,” ayon sa pahayag.

Una nang nanawagan sa pamahalaan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples chairman, Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na dinggin at pagtuunan ng pansin ang hinihiling na kaligtasan at karapatan ng mga katutubo sa bansa.

Oktubre 2015 nang lagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act no. 10689 na nagdedeklara sa Agosto 9 ng bawat taon bilang National Indigenous Peoples’ Day upang higit na isulong ang pangangalaga at pagbibigay-pansin sa karapatan ng mga katutubo sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 21,550 total reads

 21,550 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 242,168 total reads

 242,168 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 276,841 total reads

 276,841 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 292,741 total reads

 292,741 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 327,722 total reads

 327,722 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 94,755 total reads

 94,755 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top