Pagiging product endorser, itinanggi ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,729 total reads

Yung mga endorsement na iyon ay fake.

Ito ang babala sa publiko ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle kaugnay sa laganap na advertisement online gamit ang pagkakilanlan ng cardinal.

Binigyang diin ng opisyal na kailanman ay hindi ito nag-iendorso ng mga produkto kaya’t dapat na mag-ingat ang mamamayan sa mga napapanuod at nababasa online.

“Mayroon pong mga kumakalat na e-mail, Facebook accounts at videos na ako po ay nag-aadvertise o promote ng mga produkto, alam po ninyo hindi ako kailanman nag-iendorso ng kahit na anong produkto at hindi po ako nag-aadvertise kahit po religious articles kaya huwag po kayong magpapaniwala,” pahayag ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Cardinal Tagle ang kumakalat na advertisement online lalo na sa social media platform na Facebook kung saan makikita ang pag-iendorso ng herbal medicine, portable aircon at religious articles.

Batay sa kumakalat na video ginawa ito gamit ang Deepfake technology na isang uri ng Artificial Intelligence na lumilikha ng convincing fake images, videos at audio recordings.
Pinag-iingat ng arsobispo ang mamamayan laban sa mapanamantalang organisasyon at indibidwal na ginagamit ang kanyang pangalan at maging ang iba pang opisyal ng simbahan upang makapanloko sa kapwa.

Bukod kay Cardinal Tagle kamakailan ay natuklasan din ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang tatlong fake FB accounts na nakapangalan kay Bishop Broderick Pabillo na ginagamit din sa fradaulent activities gayundin kay Cebu Archbishop Jose Palma.

Patuloy na pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na maging alerto at maingat sa pakikipag-ugnayan online lalo na kung gamit ang pangalan ng mga cardinal, arsobispo, obispo, pari at maging mga institusyon ng simbahan dahil laganap online ang fake accounts.

Sa pag-aaral ng DataReportal nitong 2024 nasa 86.98 million ang internet users sa Pilipinas kung saan nangunguna ang Facebook sa pinakaginagamit na social media platform sa 86.75 million users.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 32,412 total reads

 32,412 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,179 total reads

 83,179 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,050 total reads

 131,050 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 234,998 total reads

 234,998 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 319,443 total reads

 319,443 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top