Mamamayan, inaanyayahan sa “Ecumenical Walk for Creation”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,463 total views

Muling inaanyayahan ng Laudato Si’ Movement Pilipinas (LSMP) ang lahat ng Kristiyanong mananampalataya na makibahagi sa Ecumenical Walk for Creation 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation.

Gaganapin ito sa September 2, mula 4:00 hanggang alas-6:30 ng umaga sa St. Andrew’s Theological Seminary sa Quezon City.

Layunin ng gawaing ipalaganap ang sama-samang paglalakad at paglalakbay para sa kalikasan bilang pagkilos tungo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan, at ang patuloy na pagtugon sa tungkulin ng bawat isa na maging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Tampok sa gawain ang ‘Via Creationis’, na binuo ng Laudato Si’ Movement, upang gunitain ang misteryo ng paglikha sa pamamagitan ng serye ng mga istasyon.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa sa Aklat ng Kasalutan o liber scripturae, at ang Aklat ng Kalikasan o liber naturae, ayon sa itinuro ni San Agustin at iba pang mga banal.

Sa mga nais makibahagi, bisitahin lamang ang facebook page ng Laudato Si’ Movement Pilipinas para sa karagdagang detalye.

Katuwang ng LSMP sa gawain ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines; National Council of Churches in the Philippines; at Philippine Council of Evangelical Churches.

Karaniwang ipinagdiriwang ang Season of Creation mula September 1, kasabay ng World Day of Prayer for the Care of Creation, at nagtatapos sa October 4, kapistahan naman ng patron ng sangnilikha na si San Francisco ng Assisi.

Noong 2020, ipinakilala ng simbahan sa Pilipinas ang pagpapalawig sa pagdiriwang hanggang ikalawang Linggo ng Oktubre, kasabay ng Indigenous Peoples Sunday bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga katutubo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Tema ng Panahon ng Paglikha ngayong taon ang “To Hope and Act with Creation” kung saan una nang binigyang-diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pangangailangan para sa magkakatuwang na pagkilos para sa inang kalikasan.

Simbolo naman ng pagdiriwang ang “The First Fruits of Hope” na hango mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 9,372 total views

 9,372 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 37,377 total views

 37,377 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 55,177 total views

 55,177 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 54,783 total views

 54,783 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 166,718 total views

 166,718 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 9,617 total views

 9,617 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top