Mamamayan, inaanyayahan sa “Ecumenical Walk for Creation”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,630 total reads

Muling inaanyayahan ng Laudato Si’ Movement Pilipinas (LSMP) ang lahat ng Kristiyanong mananampalataya na makibahagi sa Ecumenical Walk for Creation 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation.

Gaganapin ito sa September 2, mula 4:00 hanggang alas-6:30 ng umaga sa St. Andrew’s Theological Seminary sa Quezon City.

Layunin ng gawaing ipalaganap ang sama-samang paglalakad at paglalakbay para sa kalikasan bilang pagkilos tungo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan, at ang patuloy na pagtugon sa tungkulin ng bawat isa na maging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Tampok sa gawain ang ‘Via Creationis’, na binuo ng Laudato Si’ Movement, upang gunitain ang misteryo ng paglikha sa pamamagitan ng serye ng mga istasyon.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa sa Aklat ng Kasalutan o liber scripturae, at ang Aklat ng Kalikasan o liber naturae, ayon sa itinuro ni San Agustin at iba pang mga banal.

Sa mga nais makibahagi, bisitahin lamang ang facebook page ng Laudato Si’ Movement Pilipinas para sa karagdagang detalye.

Katuwang ng LSMP sa gawain ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines; National Council of Churches in the Philippines; at Philippine Council of Evangelical Churches.

Karaniwang ipinagdiriwang ang Season of Creation mula September 1, kasabay ng World Day of Prayer for the Care of Creation, at nagtatapos sa October 4, kapistahan naman ng patron ng sangnilikha na si San Francisco ng Assisi.

Noong 2020, ipinakilala ng simbahan sa Pilipinas ang pagpapalawig sa pagdiriwang hanggang ikalawang Linggo ng Oktubre, kasabay ng Indigenous Peoples Sunday bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga katutubo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Tema ng Panahon ng Paglikha ngayong taon ang “To Hope and Act with Creation” kung saan una nang binigyang-diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pangangailangan para sa magkakatuwang na pagkilos para sa inang kalikasan.

Simbolo naman ng pagdiriwang ang “The First Fruits of Hope” na hango mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 32,347 total reads

 32,347 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,121 total reads

 83,121 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 130,992 total reads

 130,992 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 234,940 total reads

 234,940 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 319,389 total reads

 319,389 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,842 total reads

 165,842 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top