Ipaliwanag ang OVP budget

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,042 total reads

Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon. 

Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa mga tanong ng mga kongresista. Umpisa pa lang, sinabi na niyang hindi niya didepensahan ang kanyang budget sa pamamagitan ng question-and-answer format. Buwelta naman ni Congresswoman Stella Quimbo ng Marikina, ang presiding officer ng pagdinig, isa sa pinakamahalagang batas na sinusuri ng Kongreso taun-taon ang General Appropriations Act (o GAA). Ang GAA ang batas na nagpapahintulot sa paggamit sa kaban ng bayan, kaya’t kasama sa trabaho ng mga mambabatas na suriin ang budget ng mga ahensya. 

Nasanay siguro ang ating pangalawang pangulo na, gaya noong nakalipas na dalawang taon, inaaprubahan ang budget ng kanyang opisina nang walang pagtatanong. Noong isang taon, wala pang labinlimang minuto ay aprubado na ang OVP budget. Ngunit tila nagbago na ang ihip ng hangin sa Kongreso. Binubusisi na ng mga kongresista ang pondong hinihiling ng OVP, at dapat lang naman. 

Inungkat sa pagdinig ang notice of disallowance na inilabas ng Commission on Audit (o COA) sa 73 milyong pisong bahagi ng 125 milyong pisong confidential funds ng OVP noong 2022. Sa madaling salita, may iregularidad sa naging paggamit ng OVP ng budget nito. Kung mapatutunayang hindi tama ang naging paggastos ng opisina, dapat nitong ibalik ang nasabing pondo. Humingi ng paliwanag ang ilang kongresista tungkol dito, ngunit iginiit ni VP Sara na nakipag-ugnayan na sila sa COA. 

Hindi ikinatuwa ng mga kongresista ang paulit-ulit na pagtanggi ni VP Sara na magpaliwanag tungkol sa budget ng OVP. Para kay Alliance of Concerned Teachers Party-list Representative France Castro, mali ito. Karapatang malaman ng publiko kung paano ginagamit ng isang ahensya ng gobyerno ang pondong ipinagkatiwala rito. Sagot naman ni VP Sara, “one-sided” daw ang mga kongresista. Kinuwestyon pa niya ang kredibilidad ni Represenative Castro. Paliwanag naman Representative Bienvenido Abante ng Maynila, ang pagdinig ay tungkol sa budget ng OVP. Hindi raw maaaring magtanong ang VP bilang resource person na dapat ay nagpapaliwanag tungkol sa panukalang budget ng kanyang opisina. Matapos ang limang oras na pagdinig, hindi naaprubahan ang budget. Ipagpapatuloy ito sa susunod na linggo.

Kinikilala ng ating Simbahan ang prinsipyo ng hatian ng kapangyarihan (o separation of powers) sa pamamahala. Ibig sabihin, mahalaga ang pagbabalanse sa kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan. Magagawa ito kung matatag ang sistema ng checks and balances kung saan binabantayan ng mga sangay ng pamahalaan ang isa’t isa. Sa ganitong paraan, iiral ang batas, hindi ang kapritso ng mga nakaupo sa puwesto. Kung mangingibabaw ang batas, mas napapanagot ang mga lingkod-bayan sa kanilang mga desisyon at mga ginagawa. 

Malaking hamon kung ang mga lingkod-bayang katulad ni VP Sara ay tumatangging ipaliwanag kung paano nila ginagamit ang kaban ng bayan. Hindi nakatutulong ang pag-iwas niya sa pagtatanong ng mga kongresista na bahagi ng checks and balances. Tungkulin ng Kongreso na magsilbing guwardya ng taumbayan sa paggamit ng pera natin. 

Mga Kapanalig, ayon nga sa Catholic social teaching na Centesimus Annus, “Authentic democracy is possible only in a State ruled by law.” Sa madaling sabi, kung hindi nangingibabaw ang batas, ang kapangyarihan ay wala sa taumbayan kundi nasa kamay ng iilan. Ipinangako ng Diyos sa Isaias 49:25, “ililigtas [Niya] ang mga bihag ng makapangyarihan.” Kaya huwag tayong magpabihag sa mga makapangyarihan, lalo na sa mga walang pakialam sa interes ng publiko. Subaybayan natin ang susunod na pagdinig sa budget ng OVP. 

Sumainyo ang katotohanan. 

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,804 total reads

 27,804 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 52,168 total reads

 52,168 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 91,020 total reads

 91,020 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 125,148 total reads

 125,148 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 181,554 total reads

 181,554 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 52,169 total reads

 52,169 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 91,021 total reads

 91,021 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 125,149 total reads

 125,149 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 181,555 total reads

 181,555 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top