Pope Francis, muling umapela sa ‘world leaders’ na tapusin na ang umiiral na karahasan

SHARE THE TRUTH

 13,041 total views

Muling umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa world leaders kabilang na ang mga magkatunggaling mga bansa na wakasan ang anumang karahasang nagdudulot ng kahirapan sa mundo.

Ayon sa santo papa dapat patuloy na isulong ang pakikipag-ugnayan ng bawat bansa para sa interes ng nakararami gayundin ang pagpapalaya sa mga dinukot na indibidwal lalo na sa Holy Land.

“I appeal that negotiations not be stopped and that the fire be immediately ceased, that the hostages be released, that assistance be given to the population in Gaza, where many diseases are also spreading, including polio,” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Nangangamba si Pope Francis na lumaganap pa sa ibang lugar sa Palestine ang digmaan sa pagitan ng Hamas at Israel na labis na magdudulot ng pinsala sa lipunan at pagkasawi sa mga inosenteng sibilyan.

Makalipas ang halos isang taong sagupaan ng Hamas at Israel sa Gaza Strip iniulat ng Gaza Health Ministry ang humigit kumulang 40, 000 Palestinians ang nasawi habang ayon sa Israel mahigit isanlibo naman sa kanilang panig.
Umaasa rin si Pope Francis na palayain ang mga binihag na indibidwal upang ligtas na makabalik sa kani-kanilang mga kaanak.

Kamakailan lang ay natagpuan ng Israeli forces ang anim na bangkay ng mga hostages underground tunnel ng Rafah sa southern Gaza na ayon kay Israel Defense Forces Spokesperson Rear Adm Daniel Hagari brutally murdered ng Hamas ang mga biktima.

Nanindigan naman ang Hamas militant na ang pagkasawi ng mga hostages ay bunsod ng pagtanggi ng Israel na lumagda sa ceasefire deal.

Binigyang diin ng santo papa na mahalaga ang pagtutulungan ng bawat mananampalataya lalo na sa pananalangin upang iiral sa Holy Land ang kapayapaan gayundin sa iba pang lugar sa daigdig na may digmaan tulad ng Ukraine at iba pang bansa sa Middle East.

Patuloy na idinulog ni Pope Francis sa kalinga ng Mahal na Birheng Maria ang kapayapaan sa buong daigdig gayundin ang patnubay ng Espiritu Santo sa bawat pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 3,332 total views

 3,332 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 41,142 total views

 41,142 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 83,356 total views

 83,356 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 98,887 total views

 98,887 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 112,011 total views

 112,011 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 15,274 total views

 15,274 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top