Pakikinig at pagkilos para sa kalikasan, hamon ni Cardinal Advincula sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,648 total reads

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na Misa sa pagbubukas ng ika-11 taong pagdiriwang ng Season of Creation sa Archdiocese of Manila.

Ginanap ito sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City noong August 31, 2024, isang araw bago ipagdiwang ang World Day of Prayer for the Care of Creation, at ang pagsisimula ng Season of Creation.

Sa pagninilay, binigyang-diin ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pag-asa, pakikinig, at pagkilos para sa sangnilikha.

Ayon sa kardinal, ang pag-asa ang kabutihang-asal na ipinagkaloob ng Diyos sa tao na nagbibigay-daan upang maghangad ng higit pang mabubuting bagay lalong lalo na sa pangangalaga sa kalikasan.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ito ang katangiang patuloy na ipinamamalas ng mga tagapagtanggol ng kalikasan sapagkat patuloy silang umaasa para sa ikabubuti ng daigdig, ang nag-iisang tahanan.

“Those who care for the environment and advocate the protection of God’s creation are hopeful people because they desire what is best for the world, for humanity, and for the whole of God’s creation. These people also give us hope because they assure us that there is hope for the world,” ayon kay Cardinal Advincula.

Hinimok naman ng arsobispo ang pakikinig sa hinaing ng nagdurusang daigdig dahil sa mga tinamong pinsala mula sa pagmamalabis ng mga tao.

Iginiit ni Cardinal Advincula na hindi tuluyang magagampanan ng sangkatauhan ang tungkulin bilang katiwala ng sangnilikha kung hindi sisikaping pakinggan at unawain ang pagtangis ng mundo at mga biktima ng iba’t ibang kalamidad.

“Kung hindi tayo makikinig, hindi tayo makatutugon. Kung hindi tayo makikinig, baka maging mali ang ating pagtugon. Let us listen to their cries and we will be able to respond properly, appropriately, and in a timely manner,” saad ni ng kardinal.

Sa huli’y inanyayahan ng kardinal ang lahat na kumilos at gampanan ang tungkuling iniatas ng Diyos sa bawat isa bilang mabubuting katiwala ng sangnilikha.

Aniya, maraming tao ang umaasa at nakikinig para sa ikabubuti ng mundo, ngunit nagkululang naman sa paggawa.

Inihayag ni Cardinal Advincula na sa simpleng pagsasabuhay ng kalinisan sa sarili at kapaligiran ay malaki nang bagay upang maipakita ang hangaring pangalagaan ang sangnilikha ng Diyos.
“This is one concrete action that we can easily do. Panatilihing malinis ang kapaligiran. Huwag magtatapon ng basura kung saan-saan. Mag-segregate at mag-recycle by ensuring that cleanliness of our surroundings and of our lives we contribute to the care of God’s creation,” giit ni Cardinal Advincula.

Taong 2013 nang ilunsad nang noo’y Arsobispo ng Maynila, at kasalukuyang Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization Luis Antonio Cardinal Tagle ang Archdiocesan celebration ng Season of Creation, na layong hikayatin ang higit pang mga katoliko na palalimin at palawakin ang kamalayan sa mga tungkulin bilang mga katiwala ng inang kalikasan.

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang “To Hope and Act with Creation” habang simbolo naman ang “The Firstfruits of Hope” na hango mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma.

Ipagdiriwang sa Pilipinas ang Panahon ng Paglikha mula September 1, kasabay ng World Day of Prayer for the Care of Creation, at magtatapos sa October 13, kasabay naman ng National Indigenous Peoples’ Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 24,863 total reads

 24,863 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 252,093 total reads

 252,093 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 145,559 total reads

 145,559 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 239,590 total reads

 239,590 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 282,682 total reads

 282,682 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 149,605 total reads

 149,605 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top