7,558 total views
Nanawagan ng suporta sa pamahalaan ang International Committee of the Red Cross (ICRC) para sa mga pamilyang patuloy na hinahanap ang mga nawalang kamag-anak sa Marawi Siege noong 2017.
Nagtipon sa Iligan City ang mga taong nawalan ng mahal sa buhay upang alahahanin ang mga nasawi at nawawalang biktima ng Marawi siege pitong taon na ang nakalipas.
Bukod sa pakikiiisa, tiniyak ni Johannes Bruwer – ICRC Delegation to the Philippines Head ang tulong sa mga naiwang pamilya.
“Those who went missing from the Marawi conflict seven years ago will never be forgotten. We will continue to support the families of the missing as they urge the authorities to provide them answers so they can finally find closure,” ayon sa mensahe ni Bruwer na ipinadala ng ICRC sa Radio Veritas.
Ipinaalala ni Bruwer na obligasyon ng pamahalaan ng Pilipinas sa naiwang pamilya na bigyan sila ng kaliwanagan sa kinahantungan ng mga nawawalang mahal sa buhay.
Ipinarating ng mga dumalo sa “International Day of the Disappeard” na hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakatanggap ng anumang tulong o pakikipag-ugnayan mula sa pamahalaan.
“Families have the need and the right to know what has happened to their loved ones. They play a central role in keeping their missing relatives at the center of political debates in their quest to find answers. It is important that authorities support the families of the missing by responding to their multifaceted needs, in accordance with the government’s obligations under international law,” ayon pa sa mensahe ng ICRC.
Taong 2017 ng kinubkob ng ISIS-inspired Maute group ang Marawi City na ikinasawi ng 164-miyembro ng Armed Forces of the Philippines, 47-sibilyan at pagkawala ng 170-katao.