Tulungan ang mga apektado ng bagyong Enteng, panawagan ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,766 total reads

Ipinapanalangin ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ang katatagan ng mamamayan sa gitna ng kinakaharap na hamon bunsod ng kalamidad.

Dalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kasalukuyang parish priest ng international shrine ang katatagan ng mga biktima ng malawakang pagbahang dulot ng Bagyong Enteng at Habagat lalo na sa lalawigan ng Rizal na labis apektado ng kalamidad.

“Lord, we ask for your peace to surround those who are grieving. May they feel your presence and find solace in your love. Grant them the courage to face each day and the hope to carry on, even in the midst of their sorrow,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 10 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyo na karamihan ay mula sa Calabarzon Region kung saan pitong katao ang nasawi sa Antipolo City, Rizal dahil sa pagkalunod at landslide.
Idinulog ni Bishop Santos sa kalinga ng Mahal na Birheng Maria ang mga biktima ng sakuna gayundin ang panawagan ng pagtutulungan para makabangon mula sa trahedya ang apektadong mamamayan.

“We pray for the safety and protection of all those affected by the floods. Provide them with shelter, food, and the support they need to rebuild their lives. Guide the hands of the rescuers and volunteers, giving them the strength and wisdom to help those in need,” ani Bishop Santos.
Halos 38-libong pamilya o mahigit sa 147-libong indibidwal ang apektado ng weather disturbance sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, at National Capital Region.

Kumikilos na rin ang Caritas network ng iba’t ibang diyosesis sa bansa upang makapaghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at habagat lalo na sa mga pamilyang nanatili sa mga evacuation centers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 58,197 total reads

 58,197 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 80,611 total reads

 80,611 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 161,266 total reads

 161,266 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 262,995 total reads

 262,995 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 297,749 total reads

 297,749 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top