Mamamayan, binalaan ng Obispo sa pagdami ng misinformation sa internet

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,160 total reads

Pinag-iingat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya sa patuloy na pagdami ng misinformation at disinformation sa internet.

Ayon sa Obispo, dapat maging mapagmatyag ang mamamayan upang maiwasang mabiktima ng scam lalo na sa online.

“In this age of misinformation and deceit, it’s crucial that we remain vigilant. Please take care to verify the authenticity of any messages or videos you encounter,” ayon sa pahayag ni Bishop Uy.

Batid ni Bishop Uy na may ilang indibidwal na ginagamit ng kanyang pagkakilanlan sa pamamagitan ng paglikha ng pekeng social media account tulad ng Facebook upang linlangin ang mga followers online.

Muling binalaan ng obispo ang mamamayan hinggil sa mga video at larawang kumakalat online na nilikha sa deep fake technology na isang artificial intelligence tool na ginagaya ng ang pagkilanlan ng isang indibidwal.

Kamakailan lang ay ginamit ang mukha at boses ni Bishop Uy sa isang product advertisement online kaya’t mariin ang paalala nitong maging mapanuri at mag-ingat sa mga napapanuod at nababasa online.

“I want to emphasize that while I am an evangelizer of Christ, I do not endorse any products,” giit ni Bishop Uy.

Una nang hiniling ng obispo sa mananampalataya na i-report ang mga pekeng social media account na nagtataglay ng mga ‘deep fake created video materials’ upang makaiwas sa scam ang mamamayan.

Ang ‘deepfake’ technology ay isang uri ng Artificial Intelligence na lumilikha ng convincing fake images, videos at audio recordings ng isang indibidwal.

Sa datos ng DataReportal nasa 86 na milyong Pilipino ang aktibo sa paggamit ng social media Lalo na ang Facebook habang naitala naman ng Statista research noong 2023 ang 14, 000 Pilipinong biktima ng online scam o mas mataas ng 100 porsyento kumpara sa pitong libong kaso noong 2022.

Patuloy na pinag-iingat ng Simbahan ang mananampalataya laban sa mga grupo at indibidwal na ginagamit ang pagkakilanlan ng mga cardinal, obispo, pari at mga institusyon ng simbahan para sa scam activities.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 37,383 total reads

 37,383 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 30,283 total reads

 30,283 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 65,628 total reads

 65,628 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 167,451 total reads

 167,451 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 208,010 total reads

 208,010 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 227,344 total reads

 227,344 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top