Aktibong pakikibahagi ng Charismatic group sa evangelization, hangarin ng CHARIS convention

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,653 total reads

Naniniwala ang CHARIS Philippines na mahalagang maunawaan ng mamamayan ang diwa at pagkilos ng Espiritu Santo sa buhay ng bawat indibidwal upang mapaigting ang pakikiisa sa misyon ni Hesus sa pamayanan.

Ayon kay CHARIS Philippines National Coordinator Fef Barino, ito ang layunin ng isasagawang kauna-unahang CHARIS Convention sa October 4 hanggang 6 sa IEC Convention Center sa Cebu City.

Paliwanag nitong dapat na malawak ang pagkaunawa sa kilos ng Banal na Espirito na maging gabay sa pang-araw-araw na misyon sa iba’t ibang komunidad.

“This will be a good time for us to renew, to refresh and to empower ourselves through baptism ng Holy Spirit and make it alive in our everyday life so that wherever we go, we become a missionary in our families, in the community especially in parishes,” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.

Iginiit ni Barino na nakatutulong ang charismatic groups sa mga parokya upang mapaigting ang nananamlay na pananampalataya ng mamamayan sa aktibong pakikibahagi ng mga gawaing pang espiritwal.

Tampok sa tatlong araw na CHARISCon ang panayam nina Fr. Herbert Schneider, S.J; Bro. Marcelino Catan; Dr. Jake Yap; Bro. Arun Gogna; Fr. Vladimir Echalas; Bro. Roy Calleja; Bro. Bobby Quitain, at; Fr. Bartolome Pastor na inaasahang magbibigay panayam din sa mga paring itinalagang spiritual director ng charismatic communities’ ng mga diyosesis.

Makibahagi rin sa pagtitipon sina Cebu Archbishop Jose Palma, Digos Bishop Guillermo Afable at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr.

Ayon kay Barino inaasahan ang 3, 000 delegado sa naturang pagtitipon kaya’t patuloy na inaanyayahan ang mamamayan na magpatala sa pamamagitan ng pagbisita sa CHARIS Philippines official Facebook page o makipag-ugnayan kay Johnlito Sollera sa 0931-023-2328 o kay Yolly Rapana sa 0928-626-5178 para sa karagdagang detalye.

Pinalawig hanggang sa katapusan ng buwan ang registration period upang mabigyang pagkakataon ang iba pang mananampalataya na nais dumalo sa pagtitipon kung saan mayroon itong registration fee na P2, 500 para sa convention kit at tanghalian ng mga delegado sa loob ng tatlong araw

VP Sara at asawa, may 51-baril

 9,019 total reads

 9,019 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 11,513 total reads

 11,513 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 11,162 total reads

 11,162 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 27,296 total reads

 27,296 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 75,819 total reads

 75,819 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 97,909 total reads

 97,909 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 197,730 total reads

 197,730 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 229,545 total reads

 229,545 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top