Pagpaslang sa isa na namang anti-mining advocate, kinundena ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,305 total reads

Mariing kinokondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang pagpaslang kay Alberto Cuartero, isang anti-mining advocate at kapitan ng Barangay Puyat, Carmen, Surigao del Sur.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, hindi makatarungan ang sinapit ni Cuartero gayong nais lamang nitong ipagtanggol ang karapatan ng kinasasakupan mula sa epekto ng mapaminsalang pagmimina.

“We are enraged that another environmental and human rights defender has been felled and now joins the ranks of hundreds of activists killed in the country,” ayon kay Garganera.

Si Cuartero, kasama ang isa pang biktima na si Ronde Arpilleda Asis, ay binaril noong September 22 ng hindi pa nakikilalang salarin.

Kabilang si Cuartero sa mga saksing tumestigo sa korte at nagbunyag ng pekeng exploration permit ng Tribu Manobo Mining Corporation (TMMC).

Kamakailan lamang ay iniulat ng international watchdog na Global Witness na nananatiling pinakamapanganib na bansa sa Asya ang Pilipinas para sa mga environmental activist.

Mula 2012 hanggang 2023, ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng mga pinaslang na tagapagtanggol ng kalikasan sa rehiyon.

Panawagan naman ng ATM sa pamahalaan ang puspusang imbestigasyon sa pagpaslang sa mga biktima at papanagutin ang mga salarin.

“We demand that police officials undertake all efforts to resolve this brutal killing. We further call on the Department of Local Government (DILG) and the Commission on Human Rights (CHR) to investigate the matter,” ayon kay Garganera.

Una nang nabanggit sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco ang panawagan sa mamamayan at mga may katungkulan sa pamahalaan na ipagtanggol at pigilan ang walang kabuluhang pakikitungo sa mga environmental defender at mga katutubo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 27,930 total reads

 27,930 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 254,973 total reads

 254,973 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 148,440 total reads

 148,440 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 242,470 total reads

 242,470 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 285,388 total reads

 285,388 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 149,758 total reads

 149,758 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top