Aktibong pakikibahagi ng Charismatic group sa evangelization, hangarin ng CHARIS convention

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,503 total views

Naniniwala ang CHARIS Philippines na mahalagang maunawaan ng mamamayan ang diwa at pagkilos ng Espiritu Santo sa buhay ng bawat indibidwal upang mapaigting ang pakikiisa sa misyon ni Hesus sa pamayanan.

Ayon kay CHARIS Philippines National Coordinator Fef Barino, ito ang layunin ng isasagawang kauna-unahang CHARIS Convention sa October 4 hanggang 6 sa IEC Convention Center sa Cebu City.

Paliwanag nitong dapat na malawak ang pagkaunawa sa kilos ng Banal na Espirito na maging gabay sa pang-araw-araw na misyon sa iba’t ibang komunidad.

“This will be a good time for us to renew, to refresh and to empower ourselves through baptism ng Holy Spirit and make it alive in our everyday life so that wherever we go, we become a missionary in our families, in the community especially in parishes,” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.

Iginiit ni Barino na nakatutulong ang charismatic groups sa mga parokya upang mapaigting ang nananamlay na pananampalataya ng mamamayan sa aktibong pakikibahagi ng mga gawaing pang espiritwal.

Tampok sa tatlong araw na CHARISCon ang panayam nina Fr. Herbert Schneider, S.J; Bro. Marcelino Catan; Dr. Jake Yap; Bro. Arun Gogna; Fr. Vladimir Echalas; Bro. Roy Calleja; Bro. Bobby Quitain, at; Fr. Bartolome Pastor na inaasahang magbibigay panayam din sa mga paring itinalagang spiritual director ng charismatic communities’ ng mga diyosesis.

Makibahagi rin sa pagtitipon sina Cebu Archbishop Jose Palma, Digos Bishop Guillermo Afable at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr.

Ayon kay Barino inaasahan ang 3, 000 delegado sa naturang pagtitipon kaya’t patuloy na inaanyayahan ang mamamayan na magpatala sa pamamagitan ng pagbisita sa CHARIS Philippines official Facebook page o makipag-ugnayan kay Johnlito Sollera sa 0931-023-2328 o kay Yolly Rapana sa 0928-626-5178 para sa karagdagang detalye.

Pinalawig hanggang sa katapusan ng buwan ang registration period upang mabigyang pagkakataon ang iba pang mananampalataya na nais dumalo sa pagtitipon kung saan mayroon itong registration fee na P2, 500 para sa convention kit at tanghalian ng mga delegado sa loob ng tatlong araw

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 91,801 total views

 91,801 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 119,806 total views

 119,806 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 137,606 total views

 137,606 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 134,074 total views

 134,074 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 239,642 total views

 239,642 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top