Caritas Philippines, nanindigan laban sa Kaliwa dam

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,339 total reads

Muling pinagtibay ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paninindigan para sa pangangalaga sa mga likas na yaman at karapatan ng mga katutubong pamayanan.

Ito ang binigyang-diin ng Caritas Philippines sa paggunita ngayong araw sa Save Sierra Madre Day.

Ayon sa institusyon, ang Sierra Madre, bukod sa pagiging tahanan ng iba’t ibang uri ng puno, hayop at mga ilog, ito ri’y tahanang ninuno ng iba’t ibang katutubong pamayanan at isang mahalagang likas na yaman ng bansa.

“As we observe the Season of Creation, the theme ‘to hope and act with creation’ resonates deeply with our ongoing efforts to preserve the Sierra Madre mountain range…We stand in solidarity with these communities, recognizing their invaluable role as the true stewards of this land,” pahayag ng Caritas Philippines.

Patuloy na tinututulan ng Caritas Philippines ang mga mapaminsalang proyekto sa Sierra Madre na banta sa likas na balanse ng bulubundukin at mga katutubo.

Kabilang dito ang kontrobersyal na Kaliwa Dam project, na bagama’t layuning maibsan ang krisis sa tubig sa Kalakhang Maynila, ay maglalagay naman sa panganib sa mga katutubong pamayanan at ang likas na yaman ng kabundukan.

Iginiit ng social arm ng simbahan na masasabing tunay ang hangaring pag-unlad kapag iginagalang ang karapatan ng kalikasan at ang dignidad ng tao, sa halip na isantabi ang mga ito at patuloy na sirain ang kapaligiran at palayasin ang mga katutubo.

Hamon naman ng Caritas Philippines sa pamahalaan at mga kinauukulan na humanap ng alternatibong solusyon sa mga pangangailangan ng bansa na hindi lubhang makakaapekto sa kapakanan at Karapatan ng mga likas na yaman at mga katutubo.

“By saving the Sierra Madre, we are not just preserving a mountain range; we are protecting a way of life, safeguarding our water resources, and securing a sustainable future for generations to come,” saad ng Caritas Philippines.

Tinagurian ang Sierra Madre bilang “the back bone of Luzon”, ang pinakamahabang mountain range sa Pilipinas na mayroong 500 kilometro ang haba at binabagtas ang mga lalawigan mula Cagayan hanggang Quezon.

Taong 2012 nang ideklara ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang September 26 ng bawat taon bilang Save Sierra Madre Day upang paigtingin ang pangangalaga sa bulubundukin at alalahanin ang mga naging biktima ng matinding pagbaha dulot ng pananalasa ng bagyong Ondoy noong 2009.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 40,376 total reads

 40,376 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 125,830 total reads

 125,830 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 172,567 total reads

 172,567 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 220,439 total reads

 220,439 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 322,532 total reads

 322,532 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,223 total reads

 169,223 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top