Pananalangin, inilunsad bilang paghahanda sa bagong obispo ng Gumaca

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,718 total reads

Ipinag-utos ng Diocese of Gumaca sa pamamagitan ng liham sirkular ni Diocesan Administrator Fr. Ramon Uriarte ang pag-usal ng mga panalangin ng paghahanda para sa bagong obispo.

Ito ang hakbang ng diyosesis makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Fr. Euginius Cañete, MJ bilang ikaapat ng obispo ng Gumaca, Quezon.

Sinabi ni Fr. Uriarte na dadasalin ang panalangin sa lahat ng misa sa mga parokya, mission station, monasteryo, seminaryo, parochial schools at iba pang pook-dalanginan ng diyosesis bilang pakikiisa sa paghahanda ni Bishop-elect Cañete.

“Ipanalangin natin sa Diyos ang paghahanda ni Bishop-elect Eugene para sa kanyang tungkulin bilang Lingkod-Pastol ng ating Diyosesis,” bahagi ng mensahe ni Fr. Uriarte.

September 30 nang inanunsyo ng Vatican ang paghalal kay Bishop-elect Cañete bilang punong pastol habang kasalukuyan itong coordinator general ng Missionaries of Jesus na kanilang itinatag noong 2002.

Ito ang kahalili ng namayapang si Bishop Victor Ocampo noong 2023 na nagbunsod sa pagiging sede vacante ng diyosesis sa loob ng isang taon.

Pamumunuan nito ang halos isang milyong populasyon ng mga katoliko ng Gumaca katuwang ang mahigit 70 mga pari sa 29 na mga parokya.

Ipinanganak ang bagong halal na obispo sa lalawigan ng Cebu noong 1966, nagtapos ng kursong psychology sa University of St. La Salle sa Bacolod City bago kumuha ng Philisophy at Theology sa Maryhill School of Theology sa Quezon City.

Naordinahang pari si Bishop-elect Cañete noong 1995 sa Congregation of the Immaculate Heart of Mary (CICM) habang 2003 naman ng makakuha ng licentiate degree ng canon law sa Pontifical Gregorian University sa Roma.

Sa kasalukuyan ay nagtuturo ang pari sa iba’t ibang religious institutions sa Quezon City kabilang na ang Recoletos School of Theology, Institute of Formation and Religious Studies, Inter-Congregational Theological Center, at Saint Vincent School of Theology.

Sa kasalukuyan ay kasapi si Bishop-elect Cañete sa Catholic Theological Society of the Philippines at Canon Law Society of the Americas.

 

PANALANGIN NG PASASALAMAT SA BIYAYA NG PAGKAKALOOB NG BAGONG OBISPO

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 30,655 total reads

 30,655 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 110,633 total reads

 110,633 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 204,859 total reads

 204,859 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 265,349 total reads

 265,349 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 277,748 total reads

 277,748 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,445 total reads

 37,445 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top