Kaligtasan ng mamamayan mula sa malakas na lindol, panalangin ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,725 total views

Ipinapanalangin ni Virac Bishop Luisito Occiano ang kaligtasan ng mamamayan ng Catanduanes at karatig lalawigan kasunod ng 6.1 magnitude na lindol.

Apela ng obispo sa mamamayan na magtulungan ipanalangin kasabay ng pagiging alerto sa epekto ng mga pagyanig.

“Nakausap ko yung mga pari na assign dun sa lugar ng epicenter awa ng Diyos wala naman pinsala we are praying na wala nang sumunod na aftershock or iba pang pagyanig. Maghanda lang po tayo at pinakaimportante magdasal po tayo,” pahayag ni Bishop Occiano sa Radio Veritas.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bagamanoc Catanduanes ang epicenter tectonic earthquake sa lalim na 38 kilometro na yumanig sa malaking bahagi ng Bicol Region alas 5:19 ng umaga nitong October 2.

Ipinagkatiwala ni Bishop Occiano sa makainang kalinga ng patrona ng Bicolandia ang bawat mamamayan na maligtas sa anumang kapahamakang maaring maidudulot ng sakuna.

“Nawa kami ay palagi mong iligtas sa anumang mga kinatatakutan naming sakuna kasama ng Iyong Ina at ang amin ding ina na si Santa Maria, Birhen ng Peñafrancia, kami nawa ay iyong palaging ampunin, ilalayo sa anumang pagkatakot at pangamba sa ngalan ng iyong Anak na si Hesukristo na aming Panginoon,” dalangin ni Bishop Occiano.

Naitala ang intensity 4 ng pagyanig sa Virac, Catanduanes; at Tabaco City, Albay; intensity 3 sa Mercedes, Camarines Norte; Caramoan, Sagñay, Camarines Sur; and Sorsogon City, Sorsogon; Intensity II sa General Nakar, Quezon; Legazpi City, Albay; Daet, Camarines Norte; Iriga City, Ragay, Sipocot, Camarines Sur; at San Roque, Northern Samar habang intensity 1 naman sa Irosin at Bulusan, Sorsogon, Jose Panganiban, Camarines Norte; Claveria, Masbate; at Gandara, Samar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 158 total views

 158 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 28,163 total views

 28,163 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 45,963 total views

 45,963 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 45,961 total views

 45,961 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 158,750 total views

 158,750 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 5,154 total views

 5,154 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top