Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Outpatient Therapeutic Care, inilunsad ng Philhealth

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,655 total views

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporations (PhilHealth) na bukas ang kanilang panig upang makipagtulungan sa simbahan at ibat-ibang sektor upang matugunan ang suliranin ng malnutrisyon sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni PhilHealth spokesperson Dr.Israel Francis Pargas matapos ilunsad ang Outpatient Therapeutic Care upang labanan ang severe acute malnutrition para iligtas ang mga batang dumaranas ng malnutrisyon.

Ayon sa opisyal, mahalaga ang mga inisyatibo ng pakikipagtulungan sa mga church based organization, Non-Government Organization at iba pang ahensya upang mapabilis at maparami ang mga naabot na bata ng programa.

“We are very much willing to cooperate and coordinate and collaborate with not only with our accredited facilities but with all othe NGOs and government agencies in order to make sure that this particular package will be utilized by our malnourished children and by every Filipino Child who would actually need this,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Dr.Pargas.

Ilalaan ng PhilHealth sa kada benepisyaryo ang 7,500-pesos na pondo para sa mga batang anim na buwang gulang pababa at 17,500 na pondo naman sa kada benepisyaryong anim na buwan hanggang animnapung buwang gulang.

Sa Datos ng Department of Health noong 2023, umaabot 29.5% sa populasyon ng mga batang Pilipinong nasa edad lima pababa ang biktima ng stunting o hindi normal na paglaki nang dahil sa malnutrisyon habang sinasabi ng United Nations Children’s Fund, na 95 bata sa Pilipinas ang namamatay kada araw dahil sa malnutrisyon.

Sa bahagi ng simbahan, nagpapatuloy ang mga programa ng Caritas Manila na Integrated Nutrition and Feeding Program na bukod sa pagpapakain ay nagbibigay din ng mga bitamina at sapat na nutrisyon na kinakailangan ng mga bata sa kanilang paglaki.

Noong 2022 ay higit na sa 75-libong bata ang naisalba mula sa malnutrisyon sa loob lamang ng limang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 48,482 total views

 48,482 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 94,205 total views

 94,205 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 96,415 total views

 96,415 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 168,053 total views

 168,053 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 177,009 total views

 177,009 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Manggagawa, hindi pa ganap na malaya

 3,262 total views

 3,262 total views Iginiit ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na nananatiling mailap para sa milyun-milyong manggagawang Pilipino ang tunay na kalayaan

Read More »
Scroll to Top