Kahalagahan ng mga katutubo, kinilala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,206 total reads

Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga kultura, tradisyon, at ambag sa lipunan.

Ayon kay Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, ang mayamang kultura ng mga katutubo ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan kundi mahalagang bahagi rin ng pagkakakilanlan bilang isang bansa.

Gayunman, ang mga katutubong pamayanan ay nahaharap sa matitinding pagsubok tulad pagkamkam sa kanilang mga lupaing ninuno kapalit ng mapaminsalang pag-unlad.

“Their enduring spirit and heritage are vital threads in the fabric of our society. As we reflect on their invaluable presence, let us remember our shared responsibility to support and uplift our Indigenous brothers and sisters. They face unique challenges and injustices that require our collective action and compassion,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Nananawagan ang obispo sa bawat mananampalataya, na buksan ang mga puso’t isipan at pakinggan nang may pag-unawa ang karanasan ng mga katutubong pamayanan.

Hinahamon din ni Bishop Santos ang mga kinauukulan lalo na ang mga nasa pamahalaan na bigyang-prayoridad ang kapakanan at karapatan ng mga katutubo.

“Ensure their voices are heard and their needs are met with justice and respect. Invest in their communities, protect their lands, and honor their cultural heritage,” saad ng obispo.

Hinihikayat ng obispo ang sambayanang Pilipino na magtulungan at maging liwanag ng pag-asa para sa mga katutubo upang malagpasan ang mga hamong dulot ng pananamantala sa mga likas na yamang kanilang pinakainiingatan.

“Together, we can create a world where every indigenous person is valued and respected, where their traditions are celebrated, and where their future is bright and secure. With hope and determination, let us commit to this noble cause,” hamon ni Bishop Santos.

Ginugunita ngayong Oktubre ang National Indigenous Peoples’ Month 2024 at ang ika-27 anibersaryo ng pagsasabatas sa Indigenous Peoples Rights Act of 1997.

Tema ng pagdiriwang ang “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan”.

Ipagdiriwang din ng simbahan sa October 13 ang Linggo ng mga Katutubo na ang tema para sa susunod na dalawang taon ay “Lakbay-Laya: Kalakbay nang may Pag-asa sa Lupaing Ninuno”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 52,300 total reads

 52,300 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 75,073 total reads

 75,073 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 155,728 total reads

 155,728 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 257,455 total reads

 257,455 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 292,545 total reads

 292,545 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 61,759 total reads

 61,759 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top