Maging sagisag ng pagmamalasakit sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,726 total views

Ipinaalala ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan na patuloy na isabuhay at maging tagapamagitan ng pagmamahal ng Panginoong sa Sanlibutan.

Ito ang mensahe ng Obispo sa thanksgiving mass para sa pagdiriwang ng ika 71 Anibersaryo ng Caritas Manila ngayong araw dito mismo sa Cuneta Astrodome Pasay City.

“Itong ating Cuneta Astrodome, sobra sa kalahati ay puno, nandidito kayo, hindi naman kayo lang, pero talaga namang nagmamalasakit sa kapwa tao, ngunit kayo ang kinatawan, kayo ang sagisag, kayo ang kabilang sa institusyon na nagpapakita ng pagmamahal ng Archdiocese of Manila sa mga dukha, sa mga naapi, sa mga nangangailangan at inuulit ko yan ang pinakamahalagang gawain ng simbahan,” ayon sa mensahe ni Bishop Bacani.

Ipinagdarasal ng Obispo na hindi makalimutan ng mga dumalong volunteers na ang dahilan ng kanilang pakikiisa ay upang mapabuti ang kalagayan o antas ng pamumuhay ng kanilang kapwa kung kayat mahalaga na laging maalala si Hesus sa anumang sisimulang inisyatibo.

Ito ay upang makatanggap ng sapat na paggabay mula sa Panginoon at hindi maligaw ng landas sa anumang gawain na layuning tulungan ang mga mahihirap tungo sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay.

“Ang bibliya na mismo ang nagsasabi sa atin na ang kaalaman at ang pagsamba ay hindi magiging makabuluhan kung hindi ito nagbubunga ng pagmamahal at ng gawa ng pagmamahal sa kapwa tao at sa Panginoon, at ngayon na tinitignan ko kayo, nako, hindi lamang parang mga ilaw na maliliit kungdi kayo’y nagniningas, lumalagblab na mga apoy na nagpapakita na ng pagmamahal ng Diyos, salamat sa Diyos dahil sa inyo,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Bacani.

Sa datos ng Caritas Manila, hindi bababa sa dalawang libong mga parish volunteers, donors at benefactors ang nakikiisa sa naging pagdiriwang ng 71st Anniversarry ng Caritas Manila.

Sa programa, isa-isang itinampok ang mga kawani ng Caritas Manila, kinilala din ang mga long time parish volunteers at workers na matagal ng nagseserbisyo upang maisabuhay ang mga adbokasiya na itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 240 total views

 240 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 24,556 total views

 24,556 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 60,346 total views

 60,346 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 102,232 total views

 102,232 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 155,578 total views

 155,578 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 9,630 total views

 9,630 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top