Palalimin ang pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon, hamon ng Obispo sa AACOM delegates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,685 total views

Hinikayat ni World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga delegado sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na gamiting pagkakataon ang pagtitipon para mas mapalalim ang pang-unawa sa dakilang habag at awa ng Panginoon.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng AACOM na isinasagawa sa IEC Convention Center sa Cebu City mula October 14 hanggang 19.

Ikinalugod ni Bishop Santos ang pagbubuklod ng mahigit tatlong libong delegado mula sa 61 diyosesis ng Pilipinas at siyam na bansa sa Asya.

“In this spirit of unity and as we begin our Pilgrimage of Hope, we welcome each of you with open hearts, grateful for your presence, participation, and prayers. Let us embrace this opportunity to deepen our understanding of mercy, forgiveness, and the enduring bond that connects us all,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang diin ng opisyal na ang pagdalo ng mga delegado ang patunay ng maunlad na pananampalatayang nakaugat kay Kristo na pinagmulan ng Divine Mercy.

Paliwanag ni Bishop Santos na ang aktibong pakikilahok sa AACOM ay magdudulot ng mas matibay na samahan ng mananampalataya upang maging matatag ang simbahang katolika.

Iginiit din ng obispo na ang sama-samang pananalangin ng mga deboto ay magandang pagkakataon upang higit na maipaabot at maialay sa Diyos ang kahilingan ng sangakatauhan lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng sanlibutan na higit kinakailangan ang habag at awa ng Panginoon.

“As we gather today to celebrate the profound and boundless grace of Divine Mercy, we are reminded of the infinite love and compassion that flows from the heart of our faith. This special occasion invites us to reflect on the transformative power of mercy in our lives, and to come together as a community united in devotion and prayer,” giit ni Bishop Santos.

Pinasalamatan ng obispo ang Archdiocese of Cebu sa pamamagitan ni Archbishop Jose Palma sa buong pusong pagtanggap sa hamong maging host archdiocese sa Asian Congress gayundin ang Archdiocese of Cebu Divine Mercy Ministry na pinamunuan ni Imma Alfon na nanguna sa pagtanggap sa mga delegado at nangasiwa sa pangkabuuang gawain.

Binuksan ang gawain sa pamamagitan ng banal na misang pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu kasama sina Archbishop Palma, Bishop Santos at iba pang mga bisitang obispo at pari.

Unang ginanap ang Asian Divine Mercy Congress noong 2009 sa Manila habang ang ikaapat na WACOM naman o pandaigdigang pagtitipon ng mga deboto noong 2017 sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 92,124 total views

 92,124 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 120,129 total views

 120,129 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 137,929 total views

 137,929 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 134,390 total views

 134,390 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 239,935 total views

 239,935 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top