Tao ang kayamanan ng Pilipinas-bishop Aseo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,037 total views

Hinamon ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mga lider ng pamahalaan na unahin ang kapakanan ng mamamayan lalo na ang mga katutubong nangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.

Ayon sa obispo, ang kayamanan ng isang bansa ay hindi dapat sukatin sa pisikal o materyal na yaman lamang, bagkus, ang tunay na yaman ng bansa ay nasa mga tao sa pamamagitan ng kanilang talento, kakayahan, kultura, at kasipagan.

Ang panawagan ni Bishop Aseo ay kaugnay sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Sunday at mga nagnanais kumandidato sa nalalapit na 2025 Midterm Election.

“As our nation prepares for the upcoming elections, we call upon our leaders to prioritize the welfare of indigenous communities and the protection of our natural resources. Our country’s true wealth lies not only in its material riches, but also in its people and the land that sustains us,” pahayag ni Bishop Aseo sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang-diin ng obispo na dapat gampanan ng mga nasa kapangyarihan ang kanilang sinumpaang tungkuling maglingkod ng tapat para sa kapakanan ng mamamayan.

Kabilang na rito ang pagpapatupad ng mga batas na magtatanggol sa dignidad at karapatan ng mga katutubong pamayanang nakakaranas ng mga pang-aabuso mula sa mga makapangyarihang umaagaw ng kanilang mga lupaing ninuno.

“We urge those in positions of power to enact laws and policies that uphold the dignity and rights of indigenous peoples and to invest in sustainable solutions that do not destroy God’s creation,” ayon kay Bishop Aseo.

Tinatayang nasa 14 hanggang 18 milyong katutubo ang kabilang sa mahigit 100 natatanging pangkat-etniko sa Pilipinas, na karamiha’y mula sa Cordillera Administrative Region, Mindanao, at Palawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 89,564 total views

 89,564 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 117,569 total views

 117,569 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 135,369 total views

 135,369 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 131,926 total views

 131,926 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 237,678 total views

 237,678 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top