Diocese of Legazpi, nagpapasalamat sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,590 total reads

Ikinagalak ng Diocese of Legazpi ang natanggap na initial cash assistance mula sa Caritas Manila para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Social Action Center – Legazpi director, Fr. Eric Martillano, malaking bagay ang paunang tulong na P200,000 para sa mga pamilyang labis naapektuhan ng nagdaang sakuna sa diyosesis.

“Thank you very much for the generous support from Caritas Manila. We truly appreciate the initial cash assistance of ₱200,000, which will go a long way in helping the families affected by Typhoon Kristine in our Diocese,” mensahe ni Fr. Martillano sa Radio Veritas.

Nakatuwang ng social arm ng Archdiocese of Manila ang kapanalig na himpilan sa pagtukoy sa mga diyosesis na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine batay na rin sa ipinapadalang mga ulat sa kalagayan ng mga kinasasakupan.

Naglabas ng P1.2 milyong piso ang Caritas Manila bilang paunang tulong para sa Bicol dioceses kung saan maliban sa Diocese of Legazpi, makakatanggap rin ng tig-P200,000 ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines Norte; at Diocese of Sorsogon.

Batay sa huling situational report ng SAC Legazpi, nasa higit 50,000 pamilya o halos 180-libong indibidwal mula sa 19 bayan at lungsod sa Albay ang nagsilikas dahil sa malawakang pagbaha at iba pang pinsala sanhi ng Bagyong Kristine.

Higit pa ring kailangan ng mga nasa evacuation centers ang pagkain, hygiene kits, damit, beddings at blankets, kitchen utensils, at shelter assistance para sa mga nasirang bahay.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng social arm ng Diocese of Legazpi sa Albay Public Safety Emergency Management Office (APSEMO), local government units, at mga parokya sa pamamagitan ng Parish Disaster Response Committee (PADRECOM).

Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Caritas Manila sa Globe: 09171880229; Smart: 09380594829; at Landline: 8562-0020 to 25.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang facebook page ng Caritas Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 3,178 total reads

 3,178 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 90,372 total reads

 90,372 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 127,745 total reads

 127,745 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 159,006 total reads

 159,006 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 231,661 total reads

 231,661 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 77,095 total reads

 77,095 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top