Caritas Caceres, nangangailangan ng suporta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,067 total reads

Patuloy ang pag-apela ng tulong ng Caritas Caceres para sa mga nagsilikas na pamilya sa iba’t ibang parokyang kinasasakupan ng Archdiocese of Caceres.

Ayon kay executive director, Fr. Marc Real, hindi pa madaanan ang mga pangunahing kalsada patungo sa Naga City, kabilang na rito ang dalawang bayan, dahil lubog pa rin sa baha.

Sinabi ng pari na dahil sa mataas na antas ng baha, hindi madali ang paggalaw ng mga residente, maging ang pagsasagawa ng relief operations sa mga apektadong lugar.

“Hindi pa po madaanan ‘yung mga kalsada papunta dito sa Naga City. May dalawang bayan pa na dadaanan na lubog sa baha. Maraming parte sa Naga City ang mataas pa rin ang tubig kaya hirap din talaga kumilos,” ayon kay Fr. Real sa panayam ng Radio Veritas.

Sa huling tala ng arkidiyosesis, higit 30 parokya at institusyon ang binuksan ang mga simbahan at pasilidad upang patuluyin ang nasa higit 3,000 indibidwal na apektado ng malawakang pagbaha at patuloy na pag-uulan.

Pangunahing pangangailangan ng mga nagsilikas ang bigas, canned goods, gamot, maiinom na tubig, damit, at thermal o sleeping kits.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring dalhin ang in-kind donations sa designated drop off points sa Archbishop’s Residence, mga parokya ng Immaculate Conception, Our Lady of Peñafrancia, at San Francisco sa Naga City; at Caritas Caceres office sa Pili.

Maaari namang ipadala ang cash donations sa account name na Caritas Caceres (Naga), Inc. sa Maybank account no. 01025000454; BDO account no. 001898018432; AUB account no. 105-01-000283-1; at GCash sa account na Marcel Emmanuel DP. Real sa numerong 0906-057-9426.

Para sa karagdagan at kumpletong detalye, bisitahin ang facebook page ng Caritas-Caceres Naga o Archdiocese of Caceres.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa higit 970-libong indibidwal o higit 190-libong pamilya mula sa mga distritong saklaw ng Archdiocese of Caceres sa Camarines Sur, ang nagsilikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 31,151 total reads

 31,151 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,273 total reads

 67,273 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,543 total reads

 293,543 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 187,010 total reads

 187,010 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,397 total reads

 279,397 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 151,429 total reads

 151,429 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top