Mabilis na pagtugon ng social action ministries sa mga nasalanta ng bagyo, pinuri ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,057 total reads

Kinilala ng social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang agarang pagtugon ng social action ministries ng bawat diyosesis na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang mabilis na pagkilos ng bawat social arm ay patunay na nakatulong at epektibo ang mga ibinahaging pagsasanay hinggil sa kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna at kalamidad.

“Nagpapasalamat kami sapagkat ang ating mga individual caritas sa mga dioceses, ang ating mga social action ministry ng bawat diocese, ay very actively responded sa nangyaring mga sakunang ito. In other words, nagpapasalamat tayo na hindi nasayang ang training na ibinigay natin sa mga social action network natin in terms of disaster management response nila,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng humanitarian department ng Caritas Philippines sa pangunguna nina Jeanie Curiano at Ava Guardian upang matukoy ang kalagayan ng mga apektadong diyosesis at agad na makapagpadala ng tulong.

Sinabi ni Bishop Bagaforo na ang mga natatanggap na ulat sa kalagayan ng mga nasalantang diyosesis ay ipinapadala sa tanggapan ng CBCP secretary general upang maipabatid din sa iba pang obispo at makapangalap ng tulong.

“Gumawa tayo ng panawagan sa lahat ng obispo sa lahat ng dioceses na kung maaari magkaroon sila ng special collection this coming Sunday o di kaya’y magkaroon sila ng sariling fund raising para maipon natin lahat at mapadala sa mga affected areas talaga,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Sa kasalukuyan, nakapagpadala na ng financial assistance ang Caritas Philippines sa mga diyosesis sa Bicol Region habang inihahanda na rin ang para naman sa iba pang apektadong lugar sa Luzon.

Sa mga nais naman magbahagi ng tulong, bisitahin lamang ang facebook page ng Caritas Philippines para sa kumpletong detalye ng bank accounts.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa higit dalawang milyong indibidwal o higit 430-libong pamilya mula sa 35 lalawigan sa bansa ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 35,130 total reads

 35,130 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 121,011 total reads

 121,011 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 167,749 total reads

 167,749 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 215,622 total reads

 215,621 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 317,907 total reads

 317,907 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,039 total reads

 169,039 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top