Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,354 total reads

Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine.

Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning.

Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan ang nasawi na nag-iwan ng malaking pinsala hindi lamang sa kabuhayan kundi sa buhay ng marami.

Ayon sa pinuno ng Kamara, nawa ang araw na ito ay maging pagkakataon sa bawat isa para sa higit pang pagmamalakasakit at pagkakaisa, gayundin ang pakikiramay sa bawat pamilyang nasaktan at pamayanang labis na nasalanta ng nagdaang kalamidad.

Sa paggunita natin sa Araw ng Pambansang Pagdadalamhati, sinabi ni Romualdez na nawa’y matagpuan ng bawat isa ang mag-alay ng panalangin, at paggawa ng kabutihan para sa mga nagdadalamhati at sa mga bumabangon muli.

“May the souls of those who perished rest in peace, and may we, as one Filipino family, find strength in each other as we move forward. Together, let us remember, let us grieve, and let us help one another rise from this tragedy with renewed hope and unity,” ayon pa kay Romualdez.

Bilang pagtugon sa direktiba ng punong ehekutibo, naka-half mast din ang bandila ng Pilipinas sa Batasang Pambansa, bilang pakikiisa sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dulot ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Itinalaga naman ni Pope Francis ang buong buwan ng Nobyembre , para sa pananalangin sa lahat ng mga magulang na nagdadalamhati sa pagkawala ng anak.

Nawa ayon sa Santo Papa ay makasumpong sila ng lakas sa kanilang komunidad at biyaya ng kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 128,753 total reads

 128,753 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 203,740 total reads

 203,740 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 237,189 total reads

 237,189 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 272,487 total reads

 272,487 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 493,995 total reads

 493,995 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top