Simbahan sa Bicol, muling naghahanda sa banta ng bagyong Pepito

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,189 total reads

Naghahanda na muli ang Diocese of Virac para sa inaasahang pagtama ng binabantayang Bagyong Pepito, na may international name na Man-Yi.

Sa panayam sa Barangay Simbayanan, ibinahagi ni Caritas Virac executive director, Fr. Renato dela Rosa, na muling bubuksan ang mga simbahan sa diyosesis upang magsilbing evacuation sites para sa mga residenteng kailangang lumikas.

Ayon kay Fr. dela Rosa, tinitiyak ng Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs) ng bawat bayan sa Catanduanes ang katatagan at kaligtasan ng mga simbahan upang maging ligtas na tuluyan ng mga pamilya.

“Pinapa-assess na po sa mga MDRRMOs sa bawat bayan na paki-check kung hindi ba hazard or risky ang mga simbahan na ito lalo ng mga lugar na prone sa landslides and floods. But in terms of strength ng simbahan, maasahan din natin. Kaya even Bishop [Luisito Occiano] ay nagpa-abot sa lahat na ang simbahan ay bukas para maging evacuation center… They need to assess it para ma-declare ng MDRRMO na ito ay safe rin for evacuees, pang evacuation,” pahayag ni Fr. dela Rosa.

Tiniyak din ng Caritas Virac na may naka-preposition na food at non-food items na sasapat para sa pangangailangan ng mga magsisilikas.

“Kasi sa tingin ko dito ay nakapaghanda naman ang lahat ng local government units. Our side naman, may prepositioning na 1,700 packs ng bigas na 5kg. So it could be an augmentation to those na hindi pwedeng maabot pa ng LGU,” ayon kay Fr. dela Rosa.

Dalangin naman ni Fr. dela Rosa na humina ang epekto ng bagyo at hindi na magdulot pa ng labis na pinsala sa Catanduanes.

Samantala, patuloy na umaapela ng panalangin si Bishop Occiano upang ipag-adya ang lalawigan sa banta ng sakuna, lalo’t hindi pa lubusang nakakabangon mula sa pinsalang iniwan ng nagdaang Bagyong Kristine.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang Tropical Storm Man-Yi sa silangan ng Northeastern Mindanao, sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Inaasahang papasok ang bagyo sa PAR mamayang alas-otso ng gabi, at saka pa lamang tatawagin sa local name na Pepito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 10,789 total reads

 10,789 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 47,289 total reads

 47,289 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 267,909 total reads

 267,909 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 302,579 total reads

 302,579 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 317,836 total reads

 317,836 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 96,239 total reads

 96,239 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top