Caritas Philippines, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,619 total reads

Nananawagan ng tulong at suporta ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga diyosesis na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito.

Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag, mahalaga ang sama-samang pagtutulungan upang maibsan ang mga pasanin ng milyon-milyong pamilyang nasalanta, hindi lamang ng Super Typhoon Pepito, kundi maging ng iba pang kalamidad sa nakalipas na mga linggo.

Hinikayat ni Fr. Caluag na suportahan ang Alay Kapwa Program ng institusyon kung saan ang lahat ng donasyong malilikom ay direktang maipapadala sa mga apektadong diyosesis.

“Mga kababayan, dahil sa patuloy na kalamidad, marami na naman ang nangangailangan ng ating tulong. Sa pamamagitan ng Caritas Philippines, ang Alay Kapwa Program, nakatuwang natin ang ating mga partners nationwide, at ang mga diocese po ay napapaabot natin ang ating pagtulong at pagkalinga sa mga naapektuhan ng kalamidad,” ayon kay Fr. Caluag.

Batay sa situational report ng Caritas Philippines, mahigit isang milyong indibidwal o mahigit 200-libong pamilya ang naapektuhan ng super typhoon sa Bicol Region, ayon sa tala ng Department of Social Welfare and Development.

Kabilang sa labis na apektado ang lalawigan ng Catanduanes, na unang tinamaan ng Bagyong Pepito, kung saan higit 36-libong indibidwal o 10-libong pamilya ang inilikas sa mga ligtas na lugar.

Bago pa man maramdaman ang epekto ng super typhoon ay binuksan ng mga diyosesis, lalo na sa Bicol Region, ang mga simbahan at iba pang pasilidad bilang pansamantalang matutuluyan ng mga pamilyang lumikas.

Bukod dito, tiniyak ng mga simbahan ang paghahatid ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at maiinom na tubig sa mga apektadong residente.

Sa mga nais magbahagi ng tulong, maaaring bisitahin ang facebook page ng Caritas Philippines para sa kumpletong detalye kung paano makapagpadala ng donasyon.

“Hinihiling po namin ang inyong patuloy na pagtulong at lalo na po ang pagpaparamdam ng ating pagkalinga sa ating mga kababayan… Ano man ang kaya, biyaya po para sa iba,” saad ni Fr. Caluag.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy ang paghina ng Bagyong Pepito habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 3,914 total reads

 3,914 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 37,097 total reads

 37,097 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 121,697 total reads

 121,697 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 159,071 total reads

 159,071 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 190,329 total reads

 190,329 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 261,522 total reads

 261,522 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 78,596 total reads

 78,596 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top