Rector ng Quiapo church, itinalagang Obispo ng Balanga ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,673 total reads

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Fr. Rufino Sescon, Jr. bilang ikalimang obispo ng Diocese of Balanga sa Bataan.

Kasalukuyang Kura Paroko at Rector ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church si Bishop-elect Sescon kung saan itinaon ang pag-anunsyo ngayong araw December 3 kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Francisco Javier.

Si Bishop-elect Sescon ang hahalili kay Bishop Ruperto Santos na itinalagang obispo ng Diocese of Antipolo noong May 24, 2023.

Ipinanganak ang pari noong April 20 1972 at inordinahang pari ng Archdiocese of Manila noong September 19, 1998.

Bago pangasiwaan ang Quiapo Church, naging private secretary ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, chancellor at administrator ng Villa San Miguel, chaplain ng Sto. Niño de Paz Chapel o Greenbelt Chapel mula taong 2005, Priest-in-charge ng Mary, Mother of Hope Chapel Landmark sa Makati City.

Ilan sa mga katungkulan ng pari sa arkidiyosesis ang commissioner ng Formation of the Laity and Christian Communities, director ng San Lorenzo Ruiz Lay Formation Center, at kasapi ng Presbyteral Council.

Ang Diocese of Balanga na sede vacante mula May 2023 ay pansamantalang pinangangasiwaan ni San Fernando Pampanga Archbishop Florentino Lavarias mula July 2023.

Ipapastol ni Bishop-elect Sescon ang mahigit kalahating milyong katoliko ng Bataan katuwang ang 34 na mga pari sa halos 40 mga parokya ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,288 total reads

 75,288 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 153,596 total reads

 153,596 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,043 total reads

 187,043 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,340 total reads

 222,340 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 445,838 total reads

 445,838 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top