Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Opisyal na tema at logo ng kapistahan ng Poong Jesus Nazareno, isinapubliko ng Archdiocese of Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,195 total views

Inilunsad ng Nuestro Padre Jesus Nazareno – Davao Chapter ang opisyal na tema at logo sa pagdiriwang ng unang dekada ng debosyon sa Poong Jesus Nazareno sa arkidiyosesis.
Nagagalak ang grupo sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng Poong Jesus Nazareno sa January 9, 2025 kung saan ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na ipagdiriwang ito sa lahat ng diyosesis sa bansa makaraang aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kahilingang gawing liturgical feast ang nasabing araw bilang pagkilala sa malawak na debosyon ng mga Pilipino sa Jesus Nazareno.
Piniling tema ng grupo sa pagdiriwang ng ikasampung taong Nazareno Fiesta sa lugar ang “Pabilin Kamo kanako, ug Ako magpabilin kaninyo” (John 15:4).
“The logo reflects on our joy and gratitude towards the Poong Jesus Nazareno since its arrival to our community for all the blessings we received through His Merciful Love. It also reflects the missionary character of the community in reaching out to the peripheries and to remain true and faithful to Him and to His promises,” pahayag ng grupo.
Itinampok sa logo ng pagdiriwang ang pulang tela na sumasagisag sa dugo, pawis at luha ng bawat debotong dumudulog sa Poong Jesus Nazareno; ang apat na tao namang nakatuon sa iba’t ibang direksyon habang nasa gitna ang imahe ng Jesus Nazareno ang simbolo ng walang hanggang awa ng Diyos na ipinaabot sa lahat ng dako kung saan naroroon ang mga deboto.
Ang koronang tinik sa hugis ng kalasag ang kumakatawan sa pakikilakbay ng Diyos sa tao sa kabila ng mga paghihirap habang ang bukang liwayway ang tanda ng pag-asa lalo’t sa 2025 ipagdiriwang ng simbahan ang Jubilee of Hope na paalala rin sa mga debotong tatagan ang pananampalataya sa Diyos sapagkat ito ang pinagmumulan ng pag-asa ng bawat isa.
Taong 2015 nang dumating ang Official Replica ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Davao City at kasalukuyang nakadambana sa Our Lady of Peñafrancia GKK Chapel, DECA Tigatto, Buhangin.
Nilikha ni Pangulo sa Batan-on Thony Torres ang logo ng Nazareno 2025 ng Archdiocese of Davao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 4,275 total views

 4,275 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 71,763 total views

 71,763 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 92,828 total views

 92,828 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 115,727 total views

 115,727 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 153,075 total views

 153,075 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top