Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na makibahagi sa paghahanda sa 2025 Jubilee Year

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,055 total reads

Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na sama-samang paghandaan ngayong Adbiyento ang Pasko ng pagsilang ng Panginoon at ang Ordinary Jubilee Year sa susunod na taon.

Sa liham sirkular, sinabi ni Cardinal Advincula na magandang pagkakataon ang Adbiyento upang ihanda ang mga sarili sa pagdiriwang ng Banal na Taon na may temang “Pilgrims of Hope”.

Ang pagdiriwang sa Arkidiyosesis ng Maynila ay bibigyang-diin ang tatlong mahahalagang aspeto: ang Mukha ng Pag-asa, Paglago sa Pag-asa, at Pagbibigay ng Pag-asa.

“We will use this framework to guide our celebrations, activities, and experiences in all levels and sectors of the Archdiocese,” ayon sa sirkular ni Cardinal Advincula.

Bilang bahagi ng paghahanda, iminungkahi sa mga parokya, mission stations, at mga pamayanan na gamitin ang inihandang catechetical videos ng arkidiyosesis, na maaaring ipalabas lalo na sa Simbang Gabi upang higit na maunawaan ng mga mananampalataya ang kahulugan ng Jubilee Year.

Inaanyayahan din ni Cardinal Advincula ang lahat na makibahagi sa maringal na pagbubukas ng Jubilee Year sa December 30, 2024, ganap na alas-3 ng hapon sa Plaza Moriones, Fort Santiago, Intramuros, Maynila.

Dito’y isasagawa ang pilgrimage mula Plaza Moriones patungo sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral, bilang simbolo ng sama-samang paglalakbay ng mga mananampalataya bilang mga ‘Kalakbay ng Pag-asa’.

“I hope that this invitation may favor your enthusiasm and participation. May our hearts be filled with the light of Christian hope and illumine us to bear faithful witness in every part of the world,” saad ni Cardinal Advincula.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa ad hoc committee para sa arkidiyosesanong pagdiriwang ng Jubilee Year sa email na [email protected].

Maaari ring bisitahin ang official facebook page na Lakbay Pag-asa – Arkidiyosesis ng Maynila, para sa mga update at iba pang detalye ng pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,778 total reads

 34,778 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,373 total reads

 85,373 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 133,244 total reads

 133,244 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 237,192 total reads

 237,192 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,519 total reads

 321,519 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,959 total reads

 165,959 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top