Pagkilala sa dignidad ng mga manggagawa, panawagan ng CWS sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,154 total reads

Nananawagan ang Church People Workers Solidarity (CWS) sa pamahalaan na kilalanin ang dignidad at karapatang pantao ng mga manggagawa sa paggunita ng International Human Rights Day.

Tinukoy ni CWS Nnational chairman at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang patuloy na paniniil ng mga employer sa karapatan ng mga manggagawa.

Inihayag ni Bishop Alminaza ang kawalan ng proteksyon ng mga manggagawa sa malayang pag-organisa ng unyon na magsusulong ng kanilang karapatan at kapakanan sa trabaho na ipinagsasawalang bahala ng mga employer.

Ikinabahala din ng Obispo ang patuloy ng kontrakwalisasyon kung saan walang security of tenure ang isang manggagawa gayundin ang problema sa hindi tamang pasahod at hindi pagbibigay ng kaukulang benepisyo.

Tiniyak naman ng Obispo sa mga manggagawang Pilipino ang suporta at pagtatanggol sa kanilang karapatan laban sa mga mapaniil na employer.

“Our celebration of International Human Rights Day can only be meaningful if we reach out and connect to build strong social movements that stand up for workers’ rights. Together with the church people and the basic sectors, CWS commits itself to continue to defend the God-given rights of Filipino workers. We vow to continue to develop various means of initiatives and practical actions that will empower workers and communities,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Binigyan diin ni Bishop Alminaza na makakamit lamang ng mga manggagawa ang social justice kung matutugunan ng kasalukuyang pamahalaan ang nararanasang injustice sa lugar ng paggawa at mapawalang bisa ang mga anti-labor policies na pabor lamang sa mga employer.

Nananawagan din ang Obispo sa mamamayan at gobyerno ng pakikiisa sa kapakanan ng mga manggagawa na malaki ang tulong sa pagpa-unlad ng ekonomiya ng bansa.

“In the Philippines, these fundamental rights are being stifled by anti-labor policies such as contractualization, the rights of workers continue to be violated; their dignity and rights are under constant attack. Today, more than ever, there is an overwhelming task among church people and workers to uphold the principles of the UDHR and empower the workers to stand up for their rights. Human rights are a powerful force for good.Upholding human rights isn’t only about addressing present injustices; it’s about driving significant social change by reshaping unjust societies and empowering marginalized groups,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Tema ng International Human Rights Day 2024 ay “Our rights, our future, right now,”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 29,187 total reads

 29,187 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 80,187 total reads

 80,187 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 128,058 total reads

 128,058 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 232,006 total reads

 232,006 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 316,653 total reads

 316,653 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top