Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,455 total reads

Homiliya Para sa Panlimang Simbang Gabi, 20 Dis 2024, Lk 1:26-38

Pag nagtaas ka ng kamay para magvolunteer sa isang gawain na hindi mo muna inalam kung ano, at di ka na makaatras matapos na malaman mo kung ano ito dahil naka-oo ka na, mayroon tayong tawag sa Tagalog sa ganyan klaseng sitwasyon: NAPASUBO. Siguro related ito sa kasabihan tungkol sa pag-aasawa: na “hindi ito parang kanin na isusubo at iluluwa kapag ikaw ay napaso.” Kumbaga sa sabaw na kumukulo, hipan man lang nang konti bago higupin kung ayaw mong malapnos.

Ang pumapasok sa isip ko na halimbawa sa Bibliya ay ang propetang Isaias. Sa chapter 6 ni Isaias, naroon ang kuwento. Nagpakita daw sa propeta ang Panginoon. Sinabi daw sa kanya: “Sino ang susuguin ko? Sino ang lalakad para sa amin?” Para siyang excited na bata na nagtaas kaagad ng kamay at nagsabing, “Narito po ako. Ako na po.” Akala siguro niya laro o parlor games na may premyo.

Matapos na ipaliwanag sa kanya ang ipinagagawa sa kanya, wala siyang ibang masabi kundi “Hanggang kailan ho?” Ganito daw kasi ang magiging misyon niya: ang pangaralan ang bayang Israel, hindi upang magbago sila at magbalik-loob sa Diyos kundi upang maging lalong matigas ang mga puso nila at magpatuloy sa pagsuway sa Diyos. Kaya siguro niya tinatanong kung hanggang kailan. Kasi ano nga ba naman ang katuturan ng pangangaral niya kung hindi naman pala siya pakikinggan? Palagay ko, naisip-isip niya: “Mukhang napasubo yata ako a!” Hindi muna kasi siya nagtanong.
Kahit tipong masunurin ang paglalarawan sa karakter ni Mama Mary sa ating ebanghelyo, hindi rin naman siya basta na lang umoo. Nagtanong muna siya. Pero ang tanong niya ay hindi BAKIT AKO? kundi PAANO? Paano ito mapangyayari sa sitwasyon ko, gayong ako’y dalaga? Matapos maipaliwanag ng anghel na hindi naman siya kundi ang Espiritu Santo ang gagawa ng paraan at mangyari ito, noon pa lang siya sumagot at nagsabing, “Narito ako…Mangyari nawa sa akin ang sinabi mo.” (Lk 1:38)

Sa buhay natin, maraming beses din tayong maninimbang, mangingilatis, magtatanong muna bago magdesisyon. Hindi naman isang bulag na paglundag sa dilim ang hinihingi ng Diyos, kundi matalinong pagtuklas sa kanyang kanyang kalooban at partisipasyon sa kanyang gawain, sa kanyang ibig mangyari.

Minsan naman, katulad ni San Pedro, hindi pa man nagsisimula ang laban sumusuko na agad tayo. Di ba nasabi niya, “Huwag na lang ako, Panginoon, makasalanan akong tao.” (Lk 5:8) Minsan may tiwala nga tayo sa Diyos, tayo naman ang walang tiwala sa sarili. Nakakalimutan natin na ang Panginoong pinagtitiwalaan natin ay nagtitiwala din sa atin.

Ganyan din ang propetang si Jeremias. Nang tawagin daw siya ng Panginoon, ganito ang sagot niya, “Napakabata ko pa Panginoon, ni hindi ako marunong magsalita sa publiko.” (Jer 1:6-7) Pero sinaway daw siya ng Panginoon na nagsabing, “Huwag mong sabihing napakabata mo pa.” Hinaplos pa nga daw ng kamay ng Diyos ang bibig niya at sinabing “O, ayan. Ilalagay ko ang mga salita ko sa bibig mo… gagamitin mo sa paghugot at pagwasak, gayundin sa pagtatanim at pagtatayo.” (Jer 1:9-10)

Kahit wala pa sa katiting ang talino natin sa talino ng Diyos, kahit kaya na ngayon ng tao na lumikha ng artificial intelligence at gumawa ng mga robot na gagawa ng trabaho para sa atin, isang bagay ang sigurado ako: hindi tatawag at magsusugo kailanman ng mga robot ang Diyos. Mananatiling mas palagay ang loob niya sa pagpili ng mga taong tulad natin sa kabila ng ating mga kapalpakan at pagkukulang. Mga taong hindi niya pipilitin, mga taong kusang-loob na tutugon sa kanyang paanyaya at makikilahok sa patuloy na paglikha at pagliligtas ng Diyos sa sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 3,904 total reads

 3,904 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 45,768 total reads

 45,768 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 79,895 total reads

 79,895 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 136,301 total reads

 136,301 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ANG ARAW NI KRISTO HESUS

 791 total reads

 791 total reads Isang Pagninilay Tungkol sa Kinabukasan ng Sangkatauhan Malapit na naman ang panahon ng Adbiyento. Bagama’t ilang linggo pa bago ito magsimula, nais ko

Read More »

UNLEARNING OLD HABITS

 800 total reads

 800 total reads Old habits are indeed difficult to unlearn. And nowhere is this perhaps more evident than in the way our House of Representatives continues

Read More »

SINO ANG KALABAN?

 492 total reads

 492 total reads Homiliya para sa Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon Oktubre 29, 2026 Efeso 6:10–20; Lucas 13:31–35 Ang eksenang parang bumalik sa alaala

Read More »

THANK GOD FOR THE “ANGRY NERDS”!

 9,307 total reads

 9,307 total reads At a time when many Filipinos are becoming cynical about politics and losing hope in our democratic institutions, people like Ken Abante and

Read More »
Scroll to Top