Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,744 total reads

Homiliya para sa Pampitong Simbang Gabi, ikaapat na Linggo ng Adbiyento, 22 Disyembre 2024, Lk 1: 39-45

Ang Salmong Tugunan ang pinagbatayan ko ng pagninilay ngayong umaga. Pero hindi ako kuntento sa Tagalog translation. Sa literal na Ingles ganito ang sinasabi: “Lord make us turn to you; let us see your face and we shall be saved.” Ang mas magandang translation ay, “Panginoon, nawa’y mabalikdan ka namin; nawa’y makita namin ang iyong mukha, upang kami’y magkamit ng kaligtasan.”
Ang tawag ko dito ay “Panalangin ni Moises” na ang orihinal na inspirasyon ay galing sa Book of Exodus 34, ang kuwento tungkol sa paglalambing ni Moises sa Panginoon: “Kung matalik na kaibigan ang turing mo sa akin, hindi ba puwedeng ipakita mo sa akin ang iyong mukha?” Sabi daw ng Panginoon, “Walang nakakakita ng aking mukha na mananatiling buhay. Pero dahil magkaibigan tayo, pagbibigyan kita. Dito ka tumayo sa may likod ng bato. Dadaan ako at tatakpan ko ang mukha mo. Pag nakalampas na ako, bumalikid ka, para makita ang aking likuran, ngunit hindi pa ang aking mukha.”

Parang yung reality singing contest sa The Voice ang naiimagine ko sa kuwento ng ating ebanghelyo tungkol sa pagdalaw ni Maria kay Elisabet. Di ba sa “The Voice”, nakatalikod ang mga upuan ng judges sa simula, kaya boses lang ng contestants ang pakikinggan nila. Pipindutin lang nila ang pindutan para umikot at humarap ang upuan sa kumakanta kapag nagandahan sila sa boses nito. Pag naakit ka nga naman parang hindi sapat na mairinig mo lang ang boses nya; siyempre gusto mo rin siyang makita.

Ang eksenang nabubuo sa imahinasyon ko, ay nakatalikod din si Elisabet nang dumating si Maria at tumawag ito sa kanya sa may bintana ng kusina. Kahit hindi pa sila nagkakaharap o nagkikita, nakilala na daw kaagad ni Elisabet ang boses ng pinsan niya. Ganyan naman talaga, di ba, pag malapit sa loob mo ang isang tao, kahit nakatalikod, nakikilala mo ang boses niya. May alam akong ama, kahit piringan mo ang mga mata niya at nakatalikod siya, papagsalitain mo lang nang konti ang bawat isa sa sampung anak niya, matatawag niya ang pangalan ng bawat isa batay lang sa boses.
Ang maganda sa kuwento ni San Lukas, hindi lang si Elisabet ang excited na nakarinig sa tinig ni Maria, kundi pati ang batang si Juan Bautista na nasa sinapupunan niya. Naglulundag daw ang sanggol sa tiyan niya. Parang hindi makahintay na lumabas ito para gampanan ang magiging papel niya sa kasaysayan ng kaligtasan, ang ipakilala sa bayang Israel ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos.
Hindi ba nakapagtataka kung bakit nasabi ni Elisabet kay Maria, “Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan.” Paano daw ba nangyari na ang mismong Ina ng kanyang Panginoon ang dumadalaw sa kanya? Hindi pa man siya isinisilang, kinikilala na agad ang sanggol sa tiyan ni Maria bilang Panginoon. Kay San Lukas, ang dalaw ni Maria ay dalaw ng Panginoon. Siya ang pinakaunang lumikha ng imahen ni Maria bilang THEOTOKOS, bilang tagapagdala ng Diyos, bilang Tabernakulo, bilang Kaban ng Tipan. Ang pagdadalang-tao niya ay sabay na pagdadalang-Diyos, kaya tinatawag natin siyang INA NG DIYOS.

Hanggang ngayon, marami sa mga kapwa Kristiyano natin ang nahihirapan na tanggapin ang ganitong bansag kay Maria, sa pag-aakalang dinidiyos natin siya. Malinaw naman sa atin na hindi siya Diyos. Ang Anak niyang si Hesukristo ang kinikilala nating Diyos na nagkatawang-tao sa pamamagitan niya.

Nang gabing iyon ng unang Pasko, nang isilang siya sa Bethlehem—hindi lang langit at lupa, hindi lang mga anghel at mga pastol, hindi lang mga tala at mga hayop, ang bumalikid kay Maria—ang lahat, ang buong sanlibutan ay bumaling sa kay Maria dahil sa sanggol na isinilang mula sa kanya: ang Anak ng Diyos.

Ito rin ang naging panawagan ni Juan Bautista nang ito ay isilang at lumaki bilang propeta: ang metanoia. Ang pagbaling ng kanyang pandinig at paningin sa direksyon ni Kristo, sa direksyon ni Maria, ang kaban ng bagong tipan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 34,975 total reads

 34,975 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 118,746 total reads

 118,746 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 213,077 total reads

 213,077 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 274,763 total reads

 274,763 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 318,843 total reads

 318,843 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ANAK NG TAO

 2,873 total reads

 2,873 total reads Homiliya para sa Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon, 13 Nobyembre 2026 2 Juan 4–9; Lucas 17:26–37 Sa ating unang pagbasa, may

Read More »

PREPARING THE WAY

 11,039 total reads

 11,039 total reads A Reflection as Advent Approaches I was fascinated by a little detail in Gerry O’Connell’s report on Pope Leo XIV’s visit to Peru.

Read More »

THE POPE WHO NEVER CAME HOME

 18,495 total reads

 18,495 total reads As I follow Pope Leo XIV’s apostolic journey through Argentina, I cannot help thinking of Jorge Mario Bergoglio, the man who left Buenos

Read More »

NGAYON NA!

 711 total reads

 711 total reads Homiliya para sa Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon 8 Nobyembre 2026 Karunungan 6:12–16; 1 Tes,4:13–18; Mat. 25:1–13 May isang salitang Espanyol na ginagamit

Read More »
Scroll to Top