Mananampalataya, hinimok na pagnilayan ang taong 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,542 total reads

Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na pagnilayan ang bagong taong 2025 lalo’t ipinagdiriwang ng simbahan ang Jubilee Year na nakatuon sa temang ‘Pilgrims of Hope.’
Ayon sa obispo nawa’y gamiting pagkakataon ng mamamayan ang pagdiriwang upang pagnilayan at pagningasin ang pag-asang tangan ng bawat isa upang maibahagi sa kapwa.
“In a world that often feels burdened by uncertainty, we are called to share our faith in Christ, encouraging those around us,” ayon kay Bishop Uy.
Sinabi ng obispo na sa diwa ng pagiging simbahang sinodal ay maipamalas sa komunidad ang diwa ng pagbubuklod, pagkahabag at pagiging katuwang ng kapwa lalo na sa mga may pinagdadaanan habang naglalakbay sa mundo.
Umaasa si Bishop Uy na bilang mga kristiyano ay mabanaagan ang pag-asang hatid ni Hesus sa sanlibutan at buong kababaang loob na ipagkatiwala ang buong taong 2025.
“May our profound faith guide us as we navigate the challenges that lie ahead, reminding us that in Christ, we find strength and hope,” ani Bishop Uy.
Samantala hinikayat naman ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mananampalataya na tularan ang halimbawa ng Matatalinong Lalaki mula sa Silangan na binanggit sa ebanghelyo ni San Mateo kung saan sinundan ang liwanag ng bituin hanggang matagpuan si Hesus.
Paliwanag ng arsobispo na ang pagsunod nito sa tala ay tanda ng buong pusong pagtitiwala sa Diyos sa tatahaking landas.
“May we trust in God’s signs, discern His guidance, and persevere through trials as we pursue the deepest desires of our hearts,” ani Archbishop Palma.
Patuloy ang paanyaya ng simbahan sa mananampalataya na samantalahin ang pagkakataong ipinagdiwang ang Taon ng Hubileyo upang magningas ang pag-asa sa puso at mapalalim ang ugnayan ng tao sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 69,400 total reads

 69,400 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 101,630 total reads

 101,630 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 203,456 total reads

 203,456 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 244,014 total reads

 244,014 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 261,642 total reads

 261,642 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top