Mass deportation ng mga Pilipino sa Amerika, dapat paghandaan ng administrasyong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,347 total views

Nanawagan si Cielo Magno, dating Department of Finance Undersecretary at University of the Philippines College of Economics Associate Professor sa pamahalaan na paghandaan ang pagpapauwi sa maraming Pilipino mula Amerika dahil sa mass deportation policy ni USA President Donald Trump.

Ayon kay Magno, bagamat hindi lubhang makakaapekto sa ekonomiya ang deportation ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) at Filipino Migrants ay dapat paghandaan ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagbibigay ng trabaho at kabuhayan sa mga mapapauwi sa bansa.

Tinukoy ni Magno ang pag-alok ng kalidad na trabaho sa mga mapapauwing skilled at professional workers at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang magbukas ng oportunidad sa mga apektado ng deportation.

“Ang challenge niyan sa gobyerno ay lumikha ng maraming trabaho para magkaroon sila ng oportunidad dito ay ang challenge na yun sa gobyerno ay hindi lamang ngayon, continuing challenge kaya napakahalaga na magkaroon ng malinaw na direksyon ang gobyernong ito kung paano nga ba makakalikha hindi lamang ng mga basta-bastang trabaho kung hindi yung kalidad na trabaho para sa ating mga kababayan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Magno.

Naniniwala naman si Magno na pagkakataon ng ibang bansa ang paghihigpit ni Trump upang higit na isulong ang pagkakaisa, maisabuhay ang demokrasya at pangangalaga sa kalikasan.

“Marami parin namang ibang bansa ang nagtataguyod ng mga prinspiyong mahalaga sa atin, ang importante lang po, the other countries will step up in terms of pushing for mga values na pinapahalagahan ng buong mundo, katulad ng mga usapin sa demokrasya, usapin sa environment, climate change ETC, so yun lang po ang masasabi ko doon ,” ayon pa sa mensahe ni Magno. Batay sa datos ng Department of Migrant Workers, umaabot sa 4.1-million ang bilang ng mga OFW at Filipino migrants sa Amerika.

Noong 2023, naitala ng Philippine Statistics Authority na sa kabuoang OFW remittance rate ay 9.8% ang nagmumula sa mga OFW at migrants sa America.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 32,495 total views

 32,495 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 38,624 total views

 38,624 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 68,766 total views

 68,766 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 88,763 total views

 88,763 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 108,452 total views

 108,452 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magnifica Humanitas, pinuri ng EOF

 3,758 total views

 3,758 total views Pinuri ni Economy of Francesco Foundation Scientific Coordinator – Luigino Bruni ang kauna-unahang encyclical ni Pope Leo XIV na pinamagatang Magnifica Humanitas, na

Read More »

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 5,922 total views

 5,922 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »

EILER, nagbabala sa Pax Silica agenda

 5,938 total views

 5,938 total views Nagbabala ang labor group na Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER laban sa “Pax Silica” agenda sa Pilipinas. Pinangangambahan ng

Read More »
Scroll to Top