Commercial fishing sa loob ng 15-kilometer municipal fishing zone, tinututulan ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,823 total reads

Magsasagawa ng press conference ang simbahan, katuwang ang mga mangingisda at mga dalubhasa sa karagatan, upang ibahagi at ipaliwanag ang pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa pagtutol sa desisyon ng Korte Suprema.

Kaugnay ito sa pagpapahintulot ng kataas-taasang hukuman sa commercial fishing sa loob ng 15-kilometer municipal fishing zone.

Gaganapin ang press conference sa Sabado, February 1, 2025, mula alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Serviam Hall ng National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine sa Ortigas, Quezon City.

Dito’y tatalakayin ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ang mga usaping moral, panlipunan, at pang-ekonomiya kaugnay ng nasabing desisyon at ang epekto nito sa mahigit 2.3 milyong maliliit na mangingisda at sa kalikasan.

Kabilang sa mga magiging tagapagsalita sina Caritas Philippines Vice President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza; Oceana Philippines Vice President, Atty. Gloria Estenzo-Ramos; PANGISDA Pilipinas President Pablo Rosales; PAMALAKAYA Pilipinas Vice Chairperson Salvador France; Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Xavier Padilla; at Federation of Free Farmers Chairperson Leonardo Montemayor.

Sa katatapos lamang na 129th CBCP Plenary Assembly, mahigit 40 obispo ang lumagda sa liham-pastoral bilang pagpapahayag ng mariing pagtutol sa desisyon ng Korte Suprema.

Samantala, babasahin naman ang pastoral letter sa lahat ng misa sa buong bansa sa February 2, upang ipalaganap ang mensahe ng mga obispo at hikayatin ang mga mananampalataya na pagnilayan ang usapin at suportahan ang panawagan para sa kapakanan ng mga mangingisda at pangangalaga sa karagatan.

Mapapakinggan naman ang press conference sa programang Veritasan ng Radyo Veritas sa DZRV846 AM; at mapapanood sa DZRV 846 facebook page; Veritas PH sa Youtube, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 121,683 total reads

 121,683 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 215,710 total reads

 215,710 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 259,980 total reads

 259,980 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 283,088 total reads

 283,088 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 352,571 total reads

 352,571 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 148,513 total reads

 148,513 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top