Caritas Philippines, apektado sa pagbawi ni Trump sa federal grants at loans

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,783 total reads

Higit pang pag-iibayuhin ng Caritas Philippines ang pagsusulong ng Alay Kapwa, kasunod ng pagbawi ni United States President Donald Trump ng federal grants at loans sa mga organisasyong umaasa ng pondo mula sa US.

Sa panayam ng Barangay Simbayanan kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, bukod sa mga underdeveloped countries, kabilang din sa apektado ng kautusan ang simbahan.

Inamin ng Obispo na 35 milyong piso ang mawawalang pondo sa Caritas Philippines na ginagamit sa mga programa sa mahihirap at tulong sa mga naapektuhan ng sakuna.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang US- Agency for International Development (USAID) ay ang katuwang ng Catholic Relief Service-ang social arm ng United States Conference of Catholic Bishops (USCCB), at ang CRS naman ay ang katuwang ng Caritas Philippines sa mga ilang mga proyekto ng simbahan sa Pilipinas.

Dahil sa kautusan, aabot sa 35 milyong piso ang mawawalang pondo na inilalaan ng social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa feeding program, relief assistance at human skills development na bahagi ng ALAY-Kapwa Expanded Program.

Eye-opener

Sa kabila nito, naniniwala si Bishop Bagaforo na ito ay isang eye-opener para sa lahat na hindi dapat laging umasa mula sa tulong ng ibang bansa.

“Isa rin itong eye opener sa ating lahat, more and more I think we should be able to support our own programs. Kaya naman natin, lalo pa naming inii-strengthen, lalo pa kaming nagmamasigasig na i-promote at palawakin ang Alay Kapwa na expanded program. Yun kasi ang at-present na tumutulong sa maraming proyekto ng Caritas Philippines, yung ating Alay Kapwa Expanded Program,” ayon kay Bishop Bagaforo sa panayam ng Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ng obispo, “Masyado na tayong dependent sa mga foreign funding. At the mercy…minsan at the dictate of the foreign funders. Pero ngayon it’s about time. Actually, yan ang one of the flagship program n aini-empahsize ng Caritas International, tawag nami diyan localization project na it’s about time na on our own we should be able to raise our own funds, to help our own people.”

Sa kasalukuyan aniya, ay patuloy ang isinasagawang pagpupulong sa pagitan ng Caritas Philippines sa epekto ng pagbawi sa tulong, kabilang na ang pagbabawas ng ilang empleyado na sumasakop sa mga naapektuhang programa.

Hinimok din ni Bishop Bagaforo ang bawat diyosesis sa buong bansa magtulungan upang paigtingin ang kampanya ng Alay Kapwa-sa pamamagitan na rin ng pagbabahagi ng anuman ang makakayanan.

“It’s a matter of opening our minds na we can help our own people by our own resources,” ayon pa kay Bishop Bagaforo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 28,755 total reads

 28,755 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 63,580 total reads

 63,580 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 119,986 total reads

 119,986 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 242,085 total reads

 242,085 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 24,912 total reads

 24,912 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 24,569 total reads

 24,569 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top